Category: Police Patrol

10-wheeler truck nahagip ang elf truck, 2 nagalusan

Dalawang lalaki ang bahagyang nasaktan matapos na nahagip ng isang 10 wheeler wing van na naglalaman ng mga gulay ang isang Isuzu elf truck dakong 12:30pm ng Hulyo 3, 2017 sa Marcos Highway partikular sa Bontiway, Tuba, Benguet.

Lalaki, arestado sa pananaksak

Dinakip ang isang lalaki matapos manaksak sa harap ng Wirnies Bar, Dagohoy Street, Baguio City dakong 8:20 ng gabi noong ika-23 ng Hunyo. Kinilala ang biktima na si Romie Embong Tipal, 24 anyos, single, manggagawa at taga-Latbang, Kayapa, Nueva Vizcaya. Habang ang suspek ay si Richard Enriquez De Guzman, 24 anyos, single, manggagawa, tubong Pugo, […]

Bartender, sinaksak ng lasing na kargador

Sinaksak ng lasing na kargador ang isang bartender sa sidewalk ng Children’s Park, Kisad Road, Baguio City, paharap sa Ina Mansion noong June 26, 2017. Ayon sa imbestigasyon, dakong 9:50pm ng June 26 nangyari ang pananaksak sa biktimang si Van Philip Catacutan Baylon, 20, single, bartender sa Spoon and Stone, at residente ng Lower QM, […]

Lola, patay sa taga ng ate

Camp Dangwa, Benguet – Patay ang isang 60 anyos na housekeeper matapos biglang tagain ng nakakatandang kapatid sa hindi pa malamang dahilan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Pidigan, Abra, ayon sa ulat na natanggap ng Police Regional Office-Cordillera, La Trinidad, Benguet. Nabatid kay Chief Inspector Carolina Lacuata, information officer, ang biktima ay nakilalang […]

Trabahador, nagbigti sa Grade IV classroom sa Apayao

La Trinidad, Benguet – Nagbigti ang isang trabahador sa pansamantalang classroom ng Grade IV sa bayan ng Pudtol, Apayao. Natagpuang patay sa pagkakabitin si Raffy Ranchez Bangalan, 35, single ng barangay Bagu, Pamplona, Cagayan sa pansamantalang classroom ng Grade IV sa barangay Cacalaggan, bayan ng Pudtol bandang 7am ng Martes (Hunyo 27) ni Manases Rasay […]

Isang NPA, sumuko sa Ilocos Sur

STA. CRUZ, ILOCOS SUR – Isa na namang miyembro ng New Peoples Army na nagpapatakbo sa tri-boundaries ng Abra, Mt. Province at Ilocos Sur ang sumuko sa mga otoridad.

Barangay kagawad arestado, shabu nasamsam sa Pangasinan

LINGAYEN, PANGASINAN – Nasamsam ang halos 35 sachets at isang malaking sachet ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa isinagawang raid ng pulisya sa bahay ng isang barangay kagawad sa bayan ng Bani noong Miyerkules, Hunyo 21, ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) noong Huwebes.

Karpentero, nakuryente sa kable ng Beneco

LA TRINIDAD, BENGUET – Nakuryente ang isang 37 anyos na karpentero sa pinagtatrabahuhang gusali sa Bontoc Village, Bahong, La Trinidad noong ika-19 ng Hunyo.

Lalaki, arestado sa pananaksak

Dinakip ng mga pulis ang isang 22 anyos na suspek dahil sa pananaksak nito sa dalawang lalaki noong ika-10 ng Hunyo 2017, dakong 12:20 ng madaling araw sa isang bar sa Upper Mabini Street, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon