Trabahador, nagbigti sa Grade IV classroom sa Apayao

La Trinidad, Benguet – Nagbigti ang isang trabahador sa pansamantalang classroom ng Grade IV sa bayan ng Pudtol, Apayao.
Natagpuang patay sa pagkakabitin si Raffy Ranchez Bangalan, 35, single ng barangay Bagu, Pamplona, Cagayan sa pansamantalang classroom ng Grade IV sa barangay Cacalaggan, bayan ng Pudtol bandang 7am ng Martes (Hunyo 27) ni Manases Rasay Iddig nang mapansin niyang nakabitin ang isang katawan sa classroom nang siya’y mapadaan.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay maaaring naganap sa pagitan ng 8pm ng Lunes at 7am ng Martes.
Ipinaalam ni Iddig kay Engr. Ariel Tenorio, employer ng biktima, at inireport naman sa mga pulis.
Natagpuan naman ng mga pulis ang biktimang nakabitin gamit ang nylon rope na nakatali sa rafter ng classroom.
Sa pagsusuri ni Dr. Amelia M. Abulencia, Pudtol Municipal Health officer, sa biktima ay pinatotohanan nitong ang dahilan ng pagkamatay ay asphyxia pangalawa sa pagbigti.
Ayon pa sa pulisya, noong Sabado bandang 11am ay nagtangka nang magbigti ang biktima sa kasalukuyang construction building ng Cacalaggan Elementary School, ngunit naawat ng kaniyang katrabaho na si Fenlie Domingo Antonio. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon