Category: Police Patrol

4 katao sugatan sa karambola ng 13 na sasakyan

Isinugod sa ospital ang apat katao na nasugatan matapos na ang malakas na pagsalpok ng isang 10-wheeler truck sa isang van ay nagbunsod upang madamay sa karambola ang isang motorsiklo, isang sports utility vehicle, at ilan pang pampasaherong jeep at mga taxi noong Hulyo 7 sa kahabaan ng Buhagan Road (dating Bokawkan Road), Baguio City.

School canteen, ninakawan ng menor de edad

Ninakawan ng 14-anyos na binatilyo ang isang school canteen sa pagitan ng 3pm hanggang 4:30pm noong July 6, 2017 sa SLU Laboratory Elementary School, Upper General Luna Street, Baguio City.

Nasusunog na bahay, agad naapula ng BFP

Dahil sa mabilis na pag-aksyon ng Bureau of Fire Protection sa lungsod ay agad naapula ang sunog sa 2nd floor ng isang bahay noong 7:15pm ng Huloy 3, 2017 sa Bright Red Street, Lower QM, Baguio City.

2 drug personalities, nadakip sa Pangasinan

Tayug, Pangasinan – Arestado ang dalawang drug personalities sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Provincial Public Safety Company ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay A, Tayug Pangasinan, hapon ng July 6.

Ten wheeler truck, narekober

Narekober ang diumano’y nawawalang Isuzu ten wheeler truck na may plakang RHU 939 bandang 12:30am ng July 4, 2017 sa Shilan La Trinidad, Benguet.

10-wheeler truck nahagip ang elf truck, 2 nagalusan

Dalawang lalaki ang bahagyang nasaktan matapos na nahagip ng isang 10 wheeler wing van na naglalaman ng mga gulay ang isang Isuzu elf truck dakong 12:30pm ng Hulyo 3, 2017 sa Marcos Highway partikular sa Bontiway, Tuba, Benguet.

Lalaki, arestado sa pananaksak

Dinakip ang isang lalaki matapos manaksak sa harap ng Wirnies Bar, Dagohoy Street, Baguio City dakong 8:20 ng gabi noong ika-23 ng Hunyo. Kinilala ang biktima na si Romie Embong Tipal, 24 anyos, single, manggagawa at taga-Latbang, Kayapa, Nueva Vizcaya. Habang ang suspek ay si Richard Enriquez De Guzman, 24 anyos, single, manggagawa, tubong Pugo, […]

Amianan Balita Ngayon