2 drug personalities, nadakip sa Pangasinan

Tayug, Pangasinan – Arestado ang dalawang drug personalities sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Provincial Public Safety Company ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay A, Tayug Pangasinan, hapon ng July 6.
Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Fragata Jr., 36, van driver, nakatira sa Barangay Dalumpines, San Nicolas, bagong kinilalang drug personality; at Adon Padilla Jr., 32, residente ng Barangay A, Tayug, dating surrenderer na bumalik sa pagtitinda ng iligal na droga.
Ang dalawang suspek ay matagal nang minamatyagan ng mga pulis dahil sa drug-dealing activities nila.
Si Fragata ang tumanggap ng marked money na tatlong P100 bills mula sa pulis na nagkunwaring buyer samantalang isang plastic sachet ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu naman ang nakuha kay Padilla.
Nakahandang ipila ang kasong violation ng Article II, Section 5 of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa mga nahuling suspek habang hinihintay ang resulta ng laboratory examination sa mga nakuhang bagay. LEONARDO V. MICUA/PNA

Amianan Balita Ngayon