MAKULAY NA OBRA MULA SA TISA

Photo Caption: Ipinakita ni Pangasinan-based artist na si Benjie Valdez ang kanyang pagguhit sa pamamagitan ng chalk art sa Sunday Pedestrianization noong Abril 21.

Photo by: Raymond Macatiag/ UB-Intern


BAGUIO CITY

Isa sa mga kapana-panabik na aktibidad sa siyudad ng Baguio ay ang Sunday Pedestrianization na dito ay makikita natin ang iba’t ibang kabataang artist, baguhan man o’ propesyunal na nagpapakita ng kanilang talento sa pagguhit sa kahabaan ng Session Road sa pamamagitan ng chalk art. Ang Sunday Pedestrianization ay inilunsad ng city government para bigyan-daan ang publiko na magkaroon ng kaginhawaan sa pamosong kalsada at maraming kabataan ang naaaliw sa kanilang chalk art experienced sa lugar, na dinadausan din ng iba’t ibang event.

Kamakailan, isang Pangasinan-based chalk artist ang nagtungo sa Baguio City,noong Abril 21 para ibahagi ang kanyang husay sa pagguhit sa pamamagitan ng paggamit ng tisa (chalk). Bukod sa chalk art, si Benjie Valdez ay gumagawa rin ng iba’t ibang uri ng sining tulad ng graphite at charcoal. Nakilala siya sa chalk art na nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang larangan ng sining para sa kanyang  pamilya at naging isang inspirasyon para sa mga aspiring artist. Sa kanyang mga obra ay maraming tao ang kumilala at natutuwa  sa kanya, tulad ng sikat na personalidad na vlogger na si Cong TV.

Ilang buwan pa lang mula ng magsimula siyang gumawa ng chalk art ngunit marami na siyang naging mga tagahanga. Ayon kay Valdez, sa mga may nais magpagawa ng kanyang mga obra, maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng kanyang iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook page na “Guhit Benj” at TikTok @valdezbenjie sa Instagram benj.valdez.

By: Raymond Macatiag/ UB-Intern

Amianan Balita Ngayon