COVID-19 vaccine supply ng lungsod mahigit 78k

LUNGSOD NG BAGUIO – May sapat na suplay ang lungsod na 78,549 coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines hanggang nitong Marso 7 ngayong taon ayon sa isang local health official.
Ito ang inihayag ni Health Services Office head Dr. Rowena Galpo sa isinagawang regular management committee meeting ng mga opisyal ng lungsod noong Marso 8, na pinamunuan ni Mayor Benjamin Magalong sa Baguio Convention Center.
Mula sa kabuuang ito, sinabi niya na may 30,190 Astra Zeneca na bakuna; Pfizer, 30,624; Moderna, 8,650; Sinovac, 6,319; at Gamaleya na
may 1,766 natitirang bakuna.
Sa pagpapatuloy ng ‘Resbakuna sa Botika’ program ng lungsod, may kabuuang 823 tao ang nagpabakuna sa Watson’s Pharmacy mula 26 hanggang Marso 6 kung saan may 174 ang nabakunahan ng Moderna; Sinovac, 113; at 536 ng bakunang Astra Zeneca.
Samantala, sa Mercury Bakuna Center, 786 katao ang nabakunahan mula Pebrero 2 ganggang Marso 3, may 539 naturukan ng Astra Zeneca; Sinovac, 243; at apat ang nabakunahan ng Moderna, ani Galpo said.
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon