DA binigyan ng inuming-tubig ang 167 kabahayan sa Banaue

BANAUE, Ifugao – Kinumisyon ng Department of Agriculture (DA) ang isa pang potable water system sub-project na magbibigay ng tubig sa 167 kabahayan sa isang liblib na barangay sa Banaue, Ifugao.
“Through the Philippine Rural Development Project (PRDP), the DA commissioned the PHP2.4 million project that assures residents they will enjoy safe, accessible and potable water right in their residences,” ani Elvy Taquio ng PRDP’s Information, Advocacy,
Communication and Education unit noong Huwebes.
Sinabi niTaquio na may tatlong potable water system projects sa Banaue na tinatapos.
“With the construction of these sub-projects, the local government of Banaue intends to provide a safe and accessible water supply to both farming and non-farming residents especially in the remote barangays,” ani Taquio.
Sinabi ni Taquio na bago ang commissioning ng proyekto ay ilang kabahayan ang umaasa sa mga bukal ng tubig para sa kanilang pangangailangan sa tubig habang ang ilan ay kumukuha sa main water transmission pipes.
Sinabi niya na ang PhP2.4 milyon na proyekto ay ang unang water system na nakumpleto sa ilalim ng PRDP sa buong rehiyon.
Sinabi pa niya na isa sa mga residente, si Helen Abluyen ay taos ang pasasalamat sa ginhawang dulot ng proyekto ng gobyerno.
“Nang dumating ang proyektong ito ay malaki ang pasasalamat namin sa pagkakaroon ng mas madaling pagkukunan ng maiinom na tubig at hindi na nagtatalo-talo ang mga tao dahil mayroon nang sapat na tubig para sa lahat,” ani 60-taong gulang na si Abluyen.
Sinabi ni Abluyen na ang kaniyang pamilya ay dating sumasalok ng tubig mula sa bukal na mararating sa loob ng halos isang oras.

Amianan Balita Ngayon