Dalawa pang batang drug dealers ang nahuli sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawa pang batang mag-live in partner na “isinapuso ang pangangalakal ng droga” at magkatuwang ang nahulog sa mga awtoridad hapon ng Lunes sa Suello Village, Bakakeng Central barangay dito.
Nagbenta si Holy Elyjam Yango, 20 at live-in partner niyang si Rhona Bell Ticuala, 19; parehong mga estudyante ng nasa PhP300,000.00 halaga ng shabu sa undercover agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang operasyon bandang 1 p.m.
Marahil pinakamalaking huli ng shabu sa ngayon sa taong ito sa lungsod ng Baguio, nagpahiwatig si PDEA-Cordillera Gil Cesario Castro ng isang tumitinding giyera sa droga sa rehiyon, sa sunod-sunod na mga operasyon laban sa big-time drug dealers sa buong bulubunduking rehiyon.
Noon lamang gabi ng Sabado, may mahigit PhP6 milyon halaga ng marijuana bricks ang nahuli mula sa tatlong drug couriers mula Cavite sa isang checkpoint sa Bontoc, Mt. Province. Ang tatlo ay gumagamit pa ng quarantine pass at travel authority certifications ang nakuhang makalusot sa ilang checkpoints mula sa kanilang rehiyon hanggang sa kanilang pinagkukunan sa bundok, ngunit hindi pinalad.
Ang dalawa ayon sa PDEA-Baguio, PDEA-Benguet at mga pulis ng Baguio ay sinubukang ibenta ang limang maliliit na sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 25 gramo at isa pang nakataling plastic sachet ng shabu na nagtitimbang din ng 25 gramo.
Ang isang gramo ng shabu ay ibinebenta na ngayon sa halagang PhP6,000.00 ayon sa PDEA.
Si Castro na kauupo lamang sa pamunuan ng PDEA-Cordillera eksaktong isang lingo ang nakakaraan ay nangakong,  “we will escalate the drug war and widen our radar to anyone who coddle, finance or protect the drug key players in the region.”
(AAD-PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon