DICT naglunsad ng rural impact sourcing training sa LU

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Pormal na binuksan Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipag-ugnayan ng San Fernando Information and Communications Technology (ICT) Council, Department of Trade and Industry (DTI), at ng ICT Section ng lungsod ang Rural Empowerment and Impact Sourcing Training Project sa San Fernando, La Union noong Setyembre 19, 2018.
Ang Rural Impact Sourcing ay nationwide project ng DICT upang isulong ang ICT-enabled jobs at buksan ang mga working opportunities sa mamamayan na kasalukuyang walang trabaho o financially unstable.
Kabilang sa maraming aplikante ng proyekto, 25 scholars ang napili upang sumailalim sa RIS technical training ng 12 araw simula Setyembre 21, 2018.
Matapos ang training, ang mga scholars ay sasailalim sa 21-day online campaign sa pakikipagtulungan sa 25 micro, small, at medium enterprises o MSME partners sa lungsod.
Ang 25 MSMEs ay bibigyan ng libreng e-commerce websites, content, at product photography – lahat ay dinisenyo ng kinauukulang scholar na nakatalaga sa kanila.
Sa mensahe ni Mayor Dong Gualberto, binigyang-diin niya ang kaniyang pagpapahalaga sa DICT at kanilang partners sa paggawa ng proyekto na panalo ang mga mamamayan mula sa socio-economically disenfranchised areas.
Idineklara din ng mayor ang kaniyang buong suporta sa ahensya sa pagpapatuloy sa mga programa na kasama at may-katuturan sa kapakanan ng publiko. A.M.DOLORES, CSFLU-IDS / ABN

Amianan Balita Ngayon