Ifugao nagluluksa sa mga namatay sa Benguet landslide

ITOGON, BENGUET – Nakapagtala ang probinsiya ng Ifugao ng zero casualty sa pananalasa ng bagyong Ompong (Mangkhut), subalit nagluluksa ang mga taga-Ifugao sa pagkamatay ng maraming kababayan sa landslide sa Barangay Ucab sa bayan ng Itogon, Benguet.
“We mourn this unfortunate incident. There was no recorded death in our province in Ifugao, but those who died and others who are missing in Itogon are from Ifugao,” malungkot na pahayag ni Ifugao Governor Pedro Mayam-o.
Aniya umabot ng halos 80 to 90 porsiyento na mga namatay sa Ucab mines, kabilang ang mga nawawala, ay mula sa kaniyang probinsiya.
Dumating si Mayam-o sa La Trinidad, Benguet noong Setyembre 17, sa parehong araw ng pagbisita ni President Rodrigo Duterte sa lalawigan na sinalanta ng bagyo upang makita ang mga pamilya ng mga biktima sa Baguio at Benguet at upang marinig ang ulat sa mga pangyayari.
Subalit ang pangunahing layunin ni Mayam-o sa pagpunta sa Benguet ay upang alamin ang kapakanan ng kaniyang mga kababayan, ang mga pamilya ng karamihan sa biktima ng landslide. Dumating siya kasama si provincial social work office chief Joyce Niwane upang tulungan ang pamilya ng mga biktima.
Kasama ang mga pamilya ng mga biktima, naghihintay din si Mayam-o at umaasang ang rescue operation sa tinaguriang “ground zero” ay makakahanap ng mga survivors, o kahit pa ang labi ng kaniyang mga kababayan, na nasawi sa insidente.
“Our ancestors handed to us a tradition, where we share in the grief of our ‘kailian’, when their loved ones pass away. I am here because I share with the grief and I want to check on the welfare of my townmates,” ani Mayam-o.
Sa pulong sa kaniyang mga kababayan noong gabi ng Setyembre 18, sinabi niyang “I condole with you my ‘kailian’ here. I know you are stressed. There is a problem, but we hope that our presence here will ease your burden.”
Sinabi ng pinuno ng Ifugao na siya ay nalulungkot sa kaniyang mga kababayan na umalis ng probinsiya upang makahanap ng mas mabuting kapalaran, para lamang mamatay sa lupain kung saan sila ay dapat na mamuhay.
“They are small-scale miners. Others are laborers. They are there to earn a living as miners and others to get employment even on contractual basis as laborers. There are some who were there because they went to visit their relatives in Itogon,” ani Mayam-o.
Bumalik ang gobernador sa Ifugao noong umaga ng Setyembre 20 upang makipagpulong sa local disaster council. “I am back here in Ifugao to meet with the DRRMC to assess the extent of damage here in the province,” aniya.
Ang mas maraming nasira ay mga pananim. Walang casualties ang naitala, maliban sa ilang mga nasugatan.
Sinabi ni Mayam-o na ang kaniyang bayan ay handang magbigay ng tulong pinansyal sa sinumang nagnanais na agad bumalik sa kanilang bayan, matapos iniutos ng environment department ang paghinto ng mining activities sa rehiyon.
“We have a budget for possible assistance, but we need to plan out a long-term support for those who will come home,” aniya. “Kaasi da met. As much as possible, we would help them find a job here in Ifugao. We will coordinate with the other agencies on how we can help those who will be displaced by the small-scale mining stoppage. Ifugao cannot do it alone.”
Sinabi ng gobernador na isinasaalang-alang din niyang magbigay ng training sa mga kabataang Ifugaos kung paano magtanim ng heirloom rice, kung saan ang indigenous rice ng Ifugao ay kilala.
Aniya ang heirloom rice production at organic agricultural production ay maaaring mas maayos na livelihood para sa mga displaced small-scale miners at ng kanilang mga pamilya.
Idinagdag pa niya na siya ay naghahanap ng mga posibilidad ng pagta-training ng mga lokal sa iba’t ibang pagsasanay upang matupad mapantayan ang mga requirement ng gobyernong “build, build, build” program.
Nauna rito, inihayag ng gobernador na malaking bahagi ng rice terraces sa probinsiya ay na-abandona dahil sa out-migration, gaya ng paghahanap ng kaniyang mga kababayan ng mas mabuting kapalaran kahit saan, mapa-abroad man o ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mapanganib na minahan sa Benguet. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon