DILG naglaan ng P120M halaga ng road project sa Kalinga

LUNGSOD NG TABUK, KALINGA – Binigyan ang Kalinga ng pinakamataas na alokasyon para sa 2019 sa buong probinsiya ng Cordillera dahil sa magandang performance sa implementasyon ng Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) projects.
Naglaan ng P120 milyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) bilang premyo sa absorptive capacity ng probinsiya sa implementasyon ng multi-million CMGP projects sa pamamagitan ng mahusay na workmanship ng local road management team.
Sinabi ni Engr. Rene Valera ng DILG Central Office na kinilala ang Kalinga pagkatapos makamit ang proseso na 50% points criteria para sa allocation. Binati niya ang mga opisyal ng probinsiya bilang isa sa good performing LGUs nationwide.
Sa kamakailang survey ng DILG, ang Kalinga ay isa sa top 20 most improved LGUs sa provincial level kabilang ang Rizal sa municipal level.
Apat na beses na ginawaran ang probinsiya ng Kalinga ng Seal of Good Governance na may 50% equivalent ng criteria para sa alokasyon ng CMGP project. Sa pagpapanatili ng gawad, karapat-dapat ang probinsiya para sa mga incentive projects.
Ang probinsiya, ani Provincial DILG OIC Director Max Mayer Adong, ay maaaring kumilala at magsumite ng mga proposals kung paano gastusin ang pondo base sa Provincial Governance Reform Roadmap.
Dalawang CMGP concreting road projects ang kasalukuyang nai-turn-over sa mga benepisyaryo: ang 8.25 kilometer natapos na upgrading at improvement ng Cabaruan-Sucbot provincial road na may project cost na P99.5 milyon at ang 6.80-km Cabaritan-Dugpa road na nagkakahalaga ng P73.9M.
Ang P95M concreting ng apat na kilometrong bahagi ng Dalnacan-Mangali provincial road ay on-going kabilang ang P240M Bado-Dangwa-Nambucayan PRDP road project.
Ang ginawang road networks sa probinsiya ay mapapadali ang transportasyon at pagbubukas ng oportunidad pang-ekonomiya para sa mamamayan at ng LGUs. PAB, PIA-Kalinga / ABN

Amianan Balita Ngayon