Disaster risk reduction sa Cordillera, patuloy na pinapaigting

LUNGSOD NG BAGUIO – Mahigit 300 katao mula sa 77 munisipalidad at dalawang lungsod sa apat na probinsya ng Cordillera Administrative Region upang suriin at palakasin pa ang kahandaan ng rehiyon kapag may mga sakuna.
Nagtipon ang mga local chief executives ng rehiyon para sa Pre-Disaster Risk Assessment at Incident Command System Orientation na ginanap sa Newtown Plaza Hotel noong Abril 21, 2017.
Pinangunahan ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Manangement Council (CRDRRMC) ang nasabing orientation na naglalayong mapaigting ang kaalaman ng lokal na pamunuan patungkol sa mga kailangan nila sa paghahanda at pagresponde sa anumang sakuna.
Ayon kay Office of Civil Defense Cordillera (OCD-CAR) information officer Ivy Carasi, ang Pre-Disaster Risk Assessment ay isang preparedness mechanism na isinasagawa bago pa dumating ang sakuna. Samantala, ang Incident Command System naman ay isang paraan upang maisaayos ang sistema ng pamamahala at pagresponde sa isang insidente.
Sa naturang orientation, sinamantala na rin nila na magtipon para mapaghandaan ang nalalapit na tag-ulan upang makaiwas sa mga sakunang maaring idulot nito. Nagkaroon din naman ng oath-taking ang mga opisyal ng Cordillera regional incident management team na dinaluhan ni Mayor Mauricio Domogan.
Ayon kay OCD-CAR Regional Director Alex Uy, inaasahan nilang tataas ang partisipasyon ng mga lokal na disaster risk reduction and management offices matapos ang nangyaring pagtitipon ng mga local chief executives. Rozienna G. Rosales, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon