DTI inalerto ang publiko laban sa online scams

LUNGSOD NG DAGUPAN – Muling inalerto ng Department of Trade and Industry (DTI) – Pangasinan ang publiko laban sa online scams at mga pandaraya dahil ang online shopping ay itinuturing na isang napakagaan at napakadaling paraan upang makakuha ng mga produkto at serbisyo.

Sinabi ni Natalia Dalaten, officer-in-charge provincial director ng Department of Trade and Industry (DTI) – Pangasinan na kailangang mabatid at malaman ng mga mamimili ang panganib, problema at mga abala ng online shopping dahil maaaring may mga depekto at sira ang mga produktong nabibili sa online.

“As per issued advisory on online shopping fraud, the Office of the Cyber-crime advises that to be protected against deceptive sales and frauds, consumers should consider that ‘prevention is better than cure’ which means that consumers and buyers must keep in mind the principle of ‘buyer beware’ in their online dealings,” ani Dalaten.

Idinagdag pa niya na kailangan malaman at isaisip ng mga mamimili ang sinasabing “red flags” ng pandaraya sa online shopping at maging lubos na mapag-masid sa pagbibigay ng kahit anong personal na impormasyon na hinihingi.

Sinabi ni Dalaten na kailangan laging isipin ng mga mamimili na ang mga produktong inia-advertise sa napakababang presyo kumpara sa ibang websites ay maaaring isang pandaraya na mahirap paniwalaan.

Sinabi niya na ikonsidera din ng mga consumer ang poor consumer ratings and feedbacks kung bumibili ng mga produkto sa online.

“Online sellers who ask you to pay by money transfer service or direct to their bank account rather than through the site’s preferred payment method is one of the red flags to consider when buying online,” dagdag niya.

Binalaan din ni Dalaten ang mga mamimili na ang mga websites, na may limitado o walang impormasyon tungkol sa privacy at kanilang terms and conditions of use at walang contact details gaya ng physical address at telepono, ay maaaring isang pandaraya.

Gayundin, idinagdag pa ni Dalaten na kung may pagdududa na ang iniaalok at promosyon sa online ay maaaringscam o may pandaraya, mas mabuting sumangguni ang publiko sa DTI office sa Pangasinan na nasa 2nd floor Star Building, Arellano Street, Dagupan City.

Sa Pangasinan, maaaring tumawag sa DTI office sa telepono bilang (075)515-3183 o 529-6177 o mag-emmail sa [email protected]. Aniya.

EMSA-PIA-Pang/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon