Epidemiology unit ng lungsod nais pahusayin

LUNGSOD NG BAGUIO – Labin-limang taon matapos malikha ang City Epidemiology and Sureveillance Unit (CESU) ay kailangan pahusayin upang maging mas epektibo sa paglaban sa mga pandemya gaya ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni councilor Mylen Yaranon noong Miyerkoles na ang unit sa ilalim ng Health Services Office (HSO) ng lungsod ay nangangailangan ng mas malaking opisina at karagdagang personnel upang makaagapay sa trabahong hinihingi sa pagpigil ng pagkalat ng nakakahawang sakit.
Sa kaniyang pahayag sa media sa “Ugnayan” forum sa city hall ay sinabi ni Yaranon na masusi siyang nakikipagtrabaho kay assistant city health officer Dr. Celia Flor Brilllantes at CESU chief Dr. Donnabelle Tubera-Panes para sa posibleng karagdagang manpower ng opisina.
“Health is a primary concern and we need a more effective office with the proper staff including medical technologies if needed,” aniya.
Ang HSO ay mayroong 16 na doktor lamang, kasama na ang hepe nito na si Dr. Rowena Galpo. Nasa siyam sa kanila ang nagbabantay sa 16 na health centers habang ang natitira ay pinamamahalaan ang special units gaya ng CESU, at iba pa.
Si Brillantes na ngayo’y pinuno ng reproductive health and wellness center ng HSO ay kasangkapan sa paglikha ng CESU noong taong 2000 nang tamaan ang lungsod ng kinatatakutang  meningococcemia.
Sa lungsod na may 400,000 residente, ang mga doktor ng HSO ay manipis na naitatalaga upang ibigay ang serbisyo sa pangunahing alaga sa kalusugan, na nasa isang doktor kada 40,000 tao.
Ang kasalukuyang health facilities para sa COVID-19 ay direkta ring nasa ilalim ng pamamahala ng HSO.
Kabilang dito ang Lindi Hotel at ang Baguio Teachers Camp na ngayo’y ginagamit bilang COVID-19 ward at quarantine center para sa mga bumabalik na overseas Filipino workers.
Nakatakda ring umpisahan ng lungsod ang operasyon ng Sto. Nino Hospital na nagging saradao sa loob ng 11 taon. Sinabi ni Vice Mayor Faustino Olowan sa media briefing na mayroong ipon ang lungsod na ginamit upang mapigil ang pagkalat ng sakit at makapgbigay ng tulong sa mga residente.
Inilahad ni Olowan na mayroong PhP4 bilyon ipon ang lungsod at nasa PhP150 milyon ang nailaan para sa mga programa para sa pagresponde sa COVID-19. “We are lucky that we have unspent money saved in the bank, if not then we will be left with nothing to use in this struggle,” aniya.
Dagdag pa niya na mabibigyan prayoridad ang mga programa sa kalusugan sa budget allocation sa susunod na taon.
PML-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon