EVERLASTING, MAGIGING OFFICIAL FLOWER NG BAGUIO CITY

Photo Caption:

Mula sa pagiging flower les at palamuti sa mga altar, ang bulaklak na Everlasting ay itatatag bilang official flower sa siyudad ng Baguio City.

Photo by Raymond Macatiag/ABN


BAGUIO CITY

Isinagawa ang isang pampublikong konsultasyon ng City Council sa Resolution No. 99, series of 1991, na nag-mumungkahing gawing opisyal na flora o bulaklak ang Everlasting ng siyudad ng Baguio. Ang ordinansang ito ay may pamagat na “Adopting Everlasting as the official Flora (Flower) of the City of Baguio “na ipinakilala ni Councilor Betty Lourdes Tabanda. Ang Everlasting ay sikat na tumutubo sa iba’t ibang parte ng siyudad dahil
sa kakayahan nitong mamuhay sa kondisyon ng klima.

Ito rin ay may iba’t ibang kulay tulad ng golden yellow, pink, orange, violet, brown, red, at ivory white. Karaniwang ginagamit ang bulaklak na ito bilang palamuti sa mga altar, ginagawang flower leis, at sinusuot bilang pagbati sa mga bisita. Inilarawan naman ni City Tourism Officer Alec Mapalo na ang Everlasting ay hindi madaling malanta, at kung matuyo man ay hindi nagbabago ang itsura nito at nananatiling makulay at maganda.

Nakasaad sa Section 2 ang rationale for the selection ng ordinansa, na ang mga nabanggit na katangian ng bulaklak ay nagsasalamin at sumisimbolo sa tibay at katatagan ng komunidad. Gaya rin ng makulay na Everlasting, sa gitna ng lahat ng pinagdaanan ng lungsod, napanatili nito ang kaniyang makulay na kultura. Nabanggit din sa talakayan na kakaunti na lamang ang mga growers at taniman dito sa ating lungsod kaya ang pinagkukunan natin ay sa lalawigan ng Benguet.

Ang pamamaraang ito ay magpapatibay ng relasyon at magpapalago ng ekonomiya at komersyo ng bawat lugar. Nilista na rin ang mga komite at organisasyon na mamumuno at gagawa ng mga patakaran at alituntunin hinggil sa mabisang pagpapatupad ng ordinansa. Ilan sa mga ito ay ang City Mayor, Chairperson, City Administrator, City Tourism Officer, City Environment and Parks Management office (CEPMO), at sa gitna ng diskusyon sa public consultation, inirekomenda na idagdag rin ang Creative Council, Culture and Arts Council, at Baguio Flower Festival Foundation, Incorporation (BFFFI).

Inihayag din na magkakaroon ng inisyal na P1,000,000 bilang pondo na mailalaan bawat taon at idadagdag sa annual budget ng City Administrator’s Office para sa proyektong ito. Sa ngayon, ang naiisip pa lamang nilang paglalaanan nito ay para sa promosyon ng Everlasting sa ating siyudad, kung saan maaaring magsagawa ng mga aktibidad na kanilang isusulong para sa pagpapakilala sa bulaklak na everlasting.

By Gwyneth Anne Mina/UB-Intern

CORDILLERA PROUD

FRONTMAN

Amianan Balita Ngayon