Kung sa nakaraang Daplis natin ay puno ng kontrobersiya…dagdagan natin ng NAKAKAINTRIGA.
Malamang kaysa hindi…baka dito lang sa ating bansa may mga ganitong pangyayari at maari ding usap-usapan na tayo sa buong mundo. Sige, sundan natin ang mga eksena mga pards: Kamakailan…marami ang naintriga sa isyu ng kuno ay planong “impeachment” kontra Vice President Sara Duterte. Nang tanungin ng media ang mga opisyal sa mababang kapulungan…todo “deny” naman sila. Wala daw katotohanan ang alingasngas.
Pero teka lang…kung walang alingasngas …bakit may pumutok na ganyang balita? Saan galing? Sino ang otor ng intrigang ito? Mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ang nagsabing hindi siya pabor na ma-impeach si VP Sara. Ang sumunod ay meron daw isnaban sa pagitan nina Sara at House Speaker Romualdez. Ano bang nangyari? May pagtitipon daw na kinamayan ni Sara ang ilang mga kakilala nguni’t hindi daw niya kinamayan si Speaker.
Maryusep! Sa ganyang eksena..bakit pinalalaki pa? Eh, ano kung hindi kinamayan? Baka naman nakaligtaan lang, sabi nila. Diin naman ng mga sutil…para daw sinadya, eh! Sus Santisimang maawain….malayo pa ang eleksiyon. Baka naman pulitika na ang nangyayari? Sundan. Kamakailan din, pagkatapos ang pamamaril sa loob ng bus na ikinamatay ng dalawang mag-live in daw….nabusisi naman ang relasyon ng pinatay na ina at doon sa kanyang kaisaisang anak. May mga espekulasyon na baka naman daw may kinalaman ang anak dahil sa kanilang alitan.
Ayon sa balita, may mga video na nagpapatunay ng alitan ng mag-ina. Pero nang nakaburol na ang biktima dumating naman ang anak. Nang tanungin ng media ang anak…sinabi nitong walang
katotohanan ang alegasyon. Papano daw niya magagawang ipapatay ang sariling ina. Sabi pa na nagkaayos na raw sila ng kanyang ina bago pa nangyari ang pamamaril sa loob ng bus na ikinamatay ng kanyang ina. Ayon sa kapulisan…patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang kaso lalo pa’t sumuko na ang isa sa dalawang suspect sa pamamaslang.
Talagang nakakaintriga di ba? Sa pagkawala naman ng isang sinasabing beauty queen na si Catherine Camilon…isang Police Major ang suspect. Nasa kustodiya na sya ng PNP. Wala pang ulat
kung nasaan ang nawawalang dalaga. May na ulat na ang dalaga at si major ay may relasyon. Sa kuru-kuro ng mga analyst: kung mahal mo ang isang tao, bakit mo wawalain. Itinago kaya ito at bakit? May mga ulat na may saksi daw na nakakita na may binubuhat na isang duguang babae mula sa isang sasakyan at inilipat sa isa pang sasakyan.
Dahil dito, natuon ang intriga sa isang Magpantay na bodyguard diumano ni Major. Siya ay
nawawala din. Kaya pakiusap ng pamilya ni beauty queen na sana’y lumabas na ang bodyguard at isiwalat ang nalalaman sa krimen. Ganon din ang punto ng mga imbestigador. Katunayan nga…naglaan na si kulumnistang Tulfo ng kalahating milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagturo kung nasaan itong si Magpantay. Kapag lumantad na ito…mas madali ng matukoy kung nasaan ang beauty queen. Sana buhay pa siya.
Isa pang nakakaintrigang eksena. Noong nangangampanya pa si Pangulong Marcos, PANGARAP nya, P20.00 kada kilo ng bigas. Ngayong nakaupo na siya…hindi pa natupad ang kanyang pangarap. Habang sinusulat ang espasyong ito, abot pa sa lagpasP50.00 ang kada kilo ng bigas. Palpak ba ang pangarap o talagang hindi puwedeng maganap? Ayon kay Rep. Salceda…puwedeng
mangyari ang pangarap at maibaba sa P20.00 kada kilo ang bigas kung isusubsidiya ng NFA. Ibig sabihin na bibilhin niya ang bigas sa mahal na halaga at ibebenta nila sa P20.kada kilo.
Pwedeng mangyari, kaya lamang…malaking kalugihan ng gobyerno. Pwede bang magpapakalugi ang pamahalaan nang dahil lamang sa katuparan ng isang pangarap? O tanggapin na lang natin na
talagang hindi puwedeng ipatupad ang pangarap? Nakakaintriga di ba pards? Adios mi amor, ciao, mabalos.
November 26, 2023
November 26, 2023
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024