Korupsiyon, may pag-asa pa bang mapuksa?

Ang korupsiyon ay may hindi-tugma at katimbang na epekto sa mahihirap at pinakamadaling tablan, tumataas na halaga at nababawasan ang pakinabang sa mga serbisyo, kabilang ang kalusugan at hustisya. Halimbawa ay ang epekto ng mga pekeng gamot o bakuna sa kahihinatnan ng kalusugan ng mga bata at ang panghabang-buhay na mga epekto sa kanila.
Sa mga praktikal na pag-aaral ay ipinapakita na ang mahihirap ang nagbabayad ng pinakamataas na porsiyento ng kanilang kita sa suhol. Sa isang 2013 survey ng Office of the Ombudsman ay nalaman na isa sa bawat 20 pamilyang Pilipino ay nagbabayad ng suhol o padulas na pera sa kanilang pakikipagtransaksiyon sa isang ahensiya ng gobyerno.
Kumpara sa parehong survey ng Philippine Statistics Authority noong 2010, mas kaunting pamilya ang nagbabayad ng suhol noong 2013, sa naunang survey ay nalamang dalawa sa bawat 20 pamilya ang nagbabayad ng padulas na pera.
Makikita sa resulta na ang mga ahensiyang sangkot sa pagbibigay ng basikong serbisyong panlipunan ay mas malapit at madaling kapitan ng korupsiyon. Sa kabila ng pagbaba sa partisipasyon sa panunuhol ay mas maraming pamilya ang nagbabayad ng suhol kung kumukuha ng serbisyong panlipunan.
Noong 2010 ay tumaas ang porsiyento ng mga pamilyang nagbabayad ng suhol, mula 4.1% tumaas sa 4.5 % noong 2013. Kakatwa, ang mahihirap na pamilya ay mas malamang na magbabayad ng suhol makakuha lamang ng mga pangunahing serbisyo ayon sa pagbubunyag ng survey.
Bawat piso na ninananakaw ay ninanakawan ang mahihirap ng pantay na oportunidad sa buhay at nahahadlangan ang gobyerno na mamuhunan sa kanilang mamamayang puhunan.
Ayon sa isang ulat ng United Nations noong 2018, bawat taon ay nasa $2.6 trilyon ang nawawala na katumbas ng mas malaki sa limang porsiyento ng global gross domestic production ang ibinabayad sa suhol (bribery) o ninakaw dahil sa korupsiyon sa buong mundo.
Ang perang ito na agarang kailangan para sa kalusugan, edukasyon, malinis na tubig, imprastruktura at iba pang mahahalagang serbisyo. Ngunit ang panunuhol ay isang bahagi lamang ng mas malaking larawan.
Sa kasaysayan, ang korupsiyon na nagmumula sa pang-aabuso sa pampublikong opisina para sa pribadong ganansiya ay napatunayan sa makapangyarihang ugnayan (networks) sa pagitan ng negosyo at gobyerno. Ang mga madilim na ugnayan ay sumasalamin sa aktuwal na pagsasapribado ng pampublikong polisiya.
Ayon sa isang 2014 report ng Global Financial Integrity ay nawala sa Pilipinas ang nasa $410.5 bilyon sa pagitan ng 1960 at 2011 sa illicit financial flow o PhP19.34 trilyon (wala pa ang inflation dito). Ang malaking perang iligal na dumadaloy papasok at palabas ng Pilipinas sa loob ng limang dekada ay ginawa sa maling pagreresibo ng kalakalan.
Epekto nito ang PhP19.34 trilyon na nawala sa korupsiyon ay nagamit sana sa edukasyon, kalusugan o imprastruktura. Sa ahensiya ng gobyerno, ang Bureau of Customs ang nangunguna sa listahan ng nawawalan ng kita.
Ayon sa Global Financial Integrity ang perang iligal na dumadaloy papasok sa bansa ay inaalis ang 25% ng halaga ng lahat ng produkto na 1$ sa bawat $4 ay hindi nauulat sa mga opisyal ng Customs. Mula 2000 nadaya ang gobyerno ng illicit financial flows sa average na $1.46 bilyon ng kita sa buwis bawat taon o nasa PhP68.8 bilyon sa kasalukuyang rates.
Sa perspektibo, nawalan ang Pilipinas ng $3.85 bilyon sa tax revenues noong 2011 (PhP166.74 bilyon sa 2011 rates) na tinatayang 10% ng national budget ng parehong taon. Dahil pinapahina ng korupsiyon ang kapasidad ng bansa na lumikom ng kita at gawin ang sentrong trabaho nito, pinapataas ng korupsiyon ang tax evasion.
Ayon sa 2017 UNU Wider report (2013 data), nawalan ng halos $7.4 bilyon taon-taon ang Pilipinas dahil sa tax evasion o 2.7% ng GDP.
Sa pagpapalobo ng halaga sa public procurement process ay sinisira ng korupsiyon ang dami at kalidad ng pampublikong paggastos. Karagdagan sa procurement abuses, ang pork barrel scam (PDAF) naglalarawan ng kagayang hamon.
Ang kasaysayan ng pondong ito sa Pilipinas ay nagsimula noon pang panahon ng pananakop ng Amerikano ngunit tila lumala matapos likhain ni Cory Aquino ang Countrywide Development Fund noong 1990.
Ginigiba ng korupsiyon ang tiwala sa gobyerno at pinapahina at sinisira ang kontratang panlipunan. Ito ang dahilan ng pagkabahala ng buong mundo, lalo na sa Pilipinas, ngunit partikular sa konteksto ng karupukan at karahasan na tumitindi ang korupsiyon at pinapalaganap ang dipagkakapantay-pantay at di-pagkakontento na humahantong sa karupukan, karahasang panatiko, at labanan.
Talamak na nga ang korupsiyon at habang nagpupursigi ang administrasyong Duterte na puksain ito kahit pa sa paraang hindi tanggap ng ilan ay tila napanghihinaan na siya ng loob. Sa napakatagal na panahong kumapit na sa sistema ang korupsiyon ay parang wala ng pag-asa pa itong mapuksa at nais na niyang sumuko.
Subalit naumpisahan na niya ang pagkalampag kaya sa natitirang tatlong taon niya bilang Pangulo ay nangako siyang lilisanin ang Malakanyang na lumalaban – sa korupsiyon at iligal na droga.

Amianan Balita Ngayon