LGU’S TRAFFIC ENFORCERS, HINDI PUWEDENG KUMOMPISKA NG LISENSYA- ABALOS

Muling pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang karapatan ang traffic enforcers ng Local Government Units (LGUs) na kompiskahin ang lisensya ng mga motoristang
mahuhuling lumabag sa batas trapiko. Ayon kay DILG Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos, tanging ang Land Transportation Office (LTO) lamang ang may karapatan na gumawa nito.

Sa inilabas na memorandum ng DILG, nilagdaan ni Abalos noong September 14, 2022, sa ilalim ng
Reiteration of Pertinent Provision on Road Safety and Transportation ay pinagbabawal ang pagkompiska ng lisensya ng mga local traffic enforcers. Sa probisyon ng DILGDOTC Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01, series 2008, section 3.4: “Ang mga LGU ay maaaring mag-isyu ng traffic citation ticket ngunit ang
LTO lamang at ang kanilang mga deputized agents ang maaaring kumpiskahin ang mga lisensya
sa pagmamaneho”.

Ito ay bunsod ng mas maraming local traffic management units ang nakadeploy ngayon sa mga lansangan kasunod nang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng NoContact Apprehension Program (NCAP). Dahil dito, inatasan ng DILG ang lahat ng LGU na suriin ang kanilang mga ordinansa at patakaran sa trapiko upang matiyak na ang kanilang mga traffic management unit ay sumusunod sa nasabing probisyon sa nabanggit na JMC.

Amianan Balita Ngayon