Mag-Asawa hinoldap sa Narvacan Ilocos Sur

NARVACAN, Ilocos Sur—Pinaghahanap pa rin ng kapulisan ng Narvacan Municipal Police ang mga di pa nakikilalang mga holdaper na nambiktima sa magasawang tubong Narvacan noong Pebrero 22, 2021 sa harap ngkanilang tahanan sa Barangay San Jose sa bayang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Enrique Cortez y Hermosora, 56, anyos at Imelda Cortez y Fidellaga, 57 anyos parehong nakatira sa San Jose Barangay ng bayang ito.
Napag-alaman din na may mga kasama pa sa loob ng sasakyan ang biktimang magasawa na sina Teresita Holmes y Manuel 55, anyos atisang menor de edad.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis dakong 8:50 ng umaga noong Pebrero 22, 2021 ng paalis na umano ang mga biktima mula sa kanilang tahanan ng may dalawang lalaking naka suot ng helmet, facemask at naka black jacket na pawing armado ng mga baril ang sumulpot at nagdeklara ng holdap.
Tinutukan ng baril umano ng mga suspek ang mga biktima at sinabing “ Walang papalag”, subalit nanlaban ang lalaking biktima na kung saan ay pinaputukan ng isa sa mga suspek ang mga biktima at inagaw ang isang bag na diumano ay pera ang laman at iba pang mahahalagang bagay nap ag-aari ng mag-asawang biktima.
Agad na tumakas ang dalawang suspek gamit ang isang motorsiklo sa hindi pa alam na lugar. Dinala agad sa isang ospital ang mag-asawa upang lapatan ng pangunang lunas . Ayon sa pulisya nakaligtas sa kapahamakan ang mga biktima matapossilang gamutin.
Samantala inalarma na rin ng Ilocos Provincial Police Office ang iba pang ahensya ng gobyerno upang mahuli ang mga nasabing holdaper.
Thom F. Picaña/ABN

Amianan Balita Ngayon