Naayos na tulay magpapasigla sa lokal na ekonomiya ng bayan sa LU

SIUDAD NG SAN FERNANDO, La Union – Ang inayos na tulay sa Rosario, La Union ay layong pasiglahin ang mga aktibidad ng lokal na ekonomiya sa nasabving bayan. Noong Pebrero 23 ay pinangunahan nina La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega at Rosasrio Mayor Bellarmin Flores II ang inagurasyon ng Malicnao Bridge.
Ang natapos ng proyekto ay makakatulong sa mga magsasaka sa mga agrikultural na barangay ng Cadumanian, Carunuan East, Vila at Alipang na magkaroon ng mas mahusay na daan patungo sa central business district ng bayan sa pamamagitan ng Brgy. Poblacion East.
Maaari na ngayong magdala ang mga residente ng kanilang mga pangunahing lokal na produkto gaya ng manga, bigas at mga gulay, at iba pa. Makikinabang din sa imprastruktura ang mga
manggagawa sa kanilang arawaraw na pagbiyahe sa sentro ng bayan.
May total project cost ang proyekto na PhP38,947,267 at ang tulay ay isang sub-project sa ilalim ng Philippine Rural Development Plan. Pinondohan ito sa pamamagitan ng counterparts ng World Bank na nagkakahalaga ng PhP27,741,600, Department of Agriculture (DA) na may PhP3,467,700, at ng provincial government ng La Union na may PhP7,737,967.
Bago ang konstruksiyon nito, ang 63-linear meter na tulay ay gawa sa table kaya hindi madaanan sa panahon ng mga bagyo. Ngayon ay konkreto na ang tulay. “This bridge is once in a lifetime gift for the people of Rosario. Let us all take good care of it,” ani Mayor Flores.
Ang iba pang mga opisyal na dumalo sa inagurasyon ay sina DA Regional Dir. Nestor Domenden, La Union Police Provincial Director PCol. Jonathan G. Calixto, Provincial Engr. Ressie Estrella, Sangguniang Bayan Members ng Rosario, at mga opisyal ng beneficiary-barangays.
(JPD-PIA LU-PGLU/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon