MAG-ASAWA TIMBOG SA DROGA

BAGUIO CITY – Muling naka-iskor ang mga operatiba ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera sa buy-bust operation makaraang malambat ang isang mag-asawa, na tinaguriang drug personality sa Purok 25, San Carlos Heights, Irisan, Baguio City.
Nakilala an ang nadakip na sina Bobby Remercial Dolorican, 36 and Gracelyn Lumadas Saripada, 27, waitress, tubong Lanao Del Sur. Ayon kay BCPO Director Allen Rae Co said, si Saripada ang nasa listahan ng Street Level Individual, base sa validation ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Sa naganap na transaksyon, nagbenta si Saripada ng anim na plastic sachets na naglalaman ng 0.5 gramo ng shabu sa halagang P3,000.00 sa undercover poseur buyer.
Sa pagsisiyasat sa mag-asawa, nakareober ang mga operatiba ng dalawa pang plastic sachet na may halagang P2,040.00, mula sa possession ni Dolorican, samantalang ang buy-bust money na nakumpiska kay Saripada.

Amianan Balita Ngayon