Mayor umapila sa mga may-ari ng paupahan na i-waive ang renta ng mahihirap

LUNGSOD NG BAGUIO – Umapila si Mayor Benjamin Magalong sa mga may-ari ng mga apartment at iba pang paupahang bahay sa lungsod na lubos ng huwag singilin ang mga renta ng mahihirap na nangungupahan na pinansiyal na naapektuhan ng krisis sa kalusugan dulot ng coronavirus disease (COVID19).
Nangako ang mayor na aayusin niya sa konseho ng lungsod ang pagbibigay ng mga insentibo sa mga tutugon sa kaniyang kahilingan. Sinabi niya na maraming tao at pamilya ang lubhang naapektuhan sa pinansiyal ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
“I hope that owners of these residential units will find it in their hearts to show compassion by waiving the payment of the monthly rent of their renters to help ease the burdens of these affected individuals and families,” ani mayor.
Sa Dept. The Dept. of Trade and Industry Memorandum Circular No. 20- 12 na pinamagatang Guidelines on the Concessions on Residential and Commercial Rents of Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMES) ay sinasabing ang mga may-ari ng bedspaces, rooms, dormitories, apartment, houses, buildings at/o lupa ay magbibigay ng isang minimum na 30 araw na grace period sa renta na papaso sa loob ng panahon ng ECQ na walang interes o multa.
Sinabi ng mayor na magiging mainam kung lalagpas ang mga may-ari sa mga alituntunin at lubos ng huwag singilin ang mga renta.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon