Nagkaisang Muslim at Kristyano laban sa Terorismo

Pinangunahan ni Baguio City mayor Benjamin B. Magalong ang pagkakaisang sanib pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Baguio City Police Office kaugnay sa bantang pag-atake ng teroristang ISIS sa mga naturang simbahan na kung saan ay nagkaisa sina Baguio Muslim Community presidente Imam Samsudin Monib at ni Baguio Bishop Victor Bendico ng Our Lady of the Atonement Baguio Cathedral laban sa terorismo.

Nanawagan ang bawat pinuno ng simbahan sa mamamayan na manatiling alerto at mapagmasid sa mga lugar na kung saan may maraming tao at isuplong agad sa awtoridad kung may makitang kahina-hinalang kilos ang di pamilyar na tao.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng security operations ng SWAT team kasama ang K-9 Police Dog na nililibot ang parke ng mga sasakyan para sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa Lungsod ng Baguio noong August 11, 2019.

Mar Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon