NIA naglaan ng P3.17-B para sa irigasyon ng Ilocos, dam projects

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagtalaga ang National Irrigation Administration (NIA) ng PhP3.17 bilyon para sa iba’t-ibang irrigation projects sa Rehiyon ng Ilocos sa taong ito.
Sa isang press conference noong Miyerkoles (Enero 26) sa Pangasinan, sinabi ni NIA Ilocos engineering and operations division manager engineer Leonila Fernandez na sa kabuuang badyet, PhP900 milyon ang inilaan para sa Lower Agno River Irrigation System Improvement Project (LARISIP).
Layon ng LARISIP na magtayo ng bagong canal systems, rehabilitasyon ng kasalukuyang irrigation facilities, ibalik ang nonfunctional service areas upang mapahusay ang water delivery at/o dagdagan ang irrigation water supply upang itaas ang agricultural productivity at kita ng mga magsasaka, at lumikha ng trabaho, base sa isang pahayag ng NIA Ilocos Region.
Sinabi ni Fernandez na ang halaga ay sasakupin din ang iba pang mahahalagang proyekto, gaya ng pagtatayo ng high-rise dam sa Barangay Portic sa bayan ng Bugallon, Pangasinan na mabebenipisyuhan ang agrikultural na mga lupa sa siyam na barangay.
Ang buong dam project na nagkakahalaga ng PhP1.7 bilyon, na may pondo mula sa General Appropriations Act, ay makukumpleto sa 2025. Ang bahagi nito, ang Dumoloc Small Reservoir Project, ay napaglaanan ng PhP400-million funding.
Ang 230 metro na lawak sa kabila ng Dumoloc River ay mapupunan habang may isang spillway ito sa tabi nito. Ang maliit na reservoir project ay kasama rin ang konstruksiyon ng 4,340 kilometro ng 10-metro ng lawak na access road at irrigation facilities upang suplayan ang Dumoloc irrigation system.
“The remaining amount from the budget will be allotted to the four provinces mostly for startup projects,” ani Fernandez.
Nakakuha ang Pangasinan ng PhP700 milyon na pondo, Ilocos Norte mahigit PhP300 milyon, La Union may PhP88 milyon, at Ilocos Sur na may PhP119 milyon.
Sinabi ni NIA Ilocos Region acting manager engineer Gaudencio de Vera na ang first quarter ng taon ay itatakda para sa pagbili ng mga materyales at equipment para sa iba’t-ibang proyekto ng ahensiya.
“We target to accomplish at least 70 percent (of the) developed irrigation system in the entire region before June 2022. We are now at 62 percent while we continue to develop the existing irrigation systems,” aniya.
Sinabi ni De Vera na inumpisahan na nila ang turn-over ng communal irrigation systems sa rehiyon sa local government units (LGUs) bilang bahagi ng desentralisasyon ng mga pondo ngayong taon sa mga LGU.
Sinabi niya na sa mga proyekto na nakumpleto ng NIA Ilocos noong nakaraang taon ay ang introduskyion ng solar-powered water pumps, at ng mga model farm.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon