Numero ng COVID-19 sa Baguio Malaki ang ibinuti

LUNGSOD NG BAGUIO – Kapansin-pansin ang malaking ibinuti ng numero ng Coronavirus disease (COVID-19) ng lungsod mula nang matigil ang pagdami dahil sa Delta variant sa kalagitnaan ng Oktubre.
Sa kaniyang ulat sa Management Committee sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong ay sinabi ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo na sa isang linggo Nobyembre 14-20, ang daily new active case average ay bumaba sa 15 habang ang daily death average ay bumagsak sa 2 at mga gumaling sa 28.
Ang daily average ng mga bagong kaso ay umakyat ng mataas sa 280 habang ang daily death average ay umakyat sa 13 sa kasagsagan ng pagdami noong Setyembre.
Sinabi ni Galpo na ang two-week growth rate (TWGR) ay bumaba rin sa -72 percent para sa Nobyembre 6-20 mula -52 percent para sa Oktubre 23-Nobyembre 5. Ang average daily attack rate (ADAR) ay bumagsak din sa 3.3 per 100,000 population mula 6.1 per 100,000 population.
Ang positivity rate sa huling dalawang linggo ay mas mababa na ngayon sa 5 porsiyento o 3.5 kahit na habang napanatili ng lungsod ang testing capacity sa 520 tests araw-araw sa nakaraang linggo.
Bumaba rin sa low risk status ang Hospital care at isolation unit utilization rates.
Pinaalalahanan ng city health team ang publiko kasama ang mga lubos nang nabakunahan na ipagpatuloy na sumunod sa health protocols upang mapanatili ang pagbaba at maiwasan ang isa pang daluyong ng mga kaso.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon