Pahintulot sa “Angkas” binawi

LUNGSOD NG BAGUIO – Malungkot na inihayag ng pamahalaang lungsod sa publiko na ang tuntuninb ukol sa pagpapahintulot sa “angkas” ay binawi na dahil sa direktiba ng national Inter- Agency Task Force na ipinagbabawal ito.
Sinabin ni Mayor Benjamin Magalong na nais din ng lungsod na payagan ang angkas na may mahigpit na mga hakbang sap ag-iingat ay kailangang manaig ang pambansang alituntunin.
Iniuutos ng Bayanihan to Heal as One Act partikular sa local government units na sumunod sa guidelines na inilabas ng IATF.
Gayunman, sinabi ng mayor na nakipag-ugnayan siya sa pambansang gobyerno para sa posibleng konsiderasyon muli sa polisiya.
Hiniling niya kay Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ng National Task Force disease program na nasa lungsod noong Huwebes na ipaabot ang kaniyang kahilingan sa IATF.
“In view of this, angkas or tandem riding is absolutely prohibited in the city. All authorizations issued by the barangays are deemed revoked,” utos ni Mayor Magalong.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon