Pasaway pa rin

Nasorpresa ang ilang Restaurant owner sa Upper Mabini Street, Baguio City matapos nagsagawa ng pagsalakay ang grupo ng Public Order and Safety Division (POSD) kasama ang Punong Barangay ng Kabayanihan na si Susan Gundran.
Sa unang stalls ay napag alaman na restaurant lang ang permit nito ngunit nakitaan na nagbebenta ng alak at sigarilyo maging ang rest room nito ay marumi at maraming nakitang upos ng sigarilyo na nagresulta ng second offense ang multa nito, walang business permit naman ang isang stalls na nagbebenta rin ng alak at sigarilyo, nabigyan na ng babala para sa huling pagkakataon ang mga may ari ng restaurant bago tuluyan na itong ipasara.
 
Mar Oclaman /ABN

Courtesy Call

Amianan Balita Ngayon