Plantasyon ng Marijuana sa Kalinga sinunog ng kapulisan

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet — Umabot sa mahigit na P2 milyon ng fully grown marijuana plants ang sinunog at bonunot ng kagawaran ng pulisya ng kalinga Provincial Police Office na matagpuan ng mga nagpapatrulyang mga pulis ang dalawang plantasyon ng marijuana sa barangay Buscalan, tinglayan sa Kalinga.
Pinangunahan ni Lt. Carl Von Malamnao, 2nd Kalinga Provincial Mobile Company ang pagpapatrulya laban umano sa mga rebeldeng miyembro ng New Peoples Army na di umano ay namataan sa gawi ng Tinglayan, subalit plantasyon naman ng marijuana ang kanilang natuklasan noong Lunes ng umaga.
Agad umanong ipinagbigay alam ni Malamnao ang lugar ng plantasyon kay P/Col Davy Limmong, Police Director ng Kalinga Provincial Police Office na agad din naming nagbigay ng “go signal” na sunugin na at was akin ang nasabing plantasyon . Kumuha lamang umano ang mga pulis ng litrato at ilang ebidensya ng mga tanim na marijuana.
Ayon kay Limmong halos P2.6 milyon ng halaga ang nasirang plantasyon ng marijuana. Nanawagan naman si Limmong sa mga taga Kalinga na iwasan na umano ang pagtatanim ng marijuana sapagkat ito ay ipinagbabawal ng batas at pagkakkulong ang katumbas sa sinumang mahuhuling indibidwal o grupo na nagbebenta o nagtatanim ng marijuana.

Amianan Balita Ngayon