Marami pang PUV drivers sa Ilocos Norte nakakuha ng tulong

LUNGSOD NG BAGUIO – Halos 1,000 nawalan ng trabahong public transport drivers sa Ilocos Norte ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng isang cash-for-work (CFW) program sa pamamagitan ng Metro Ilocos Norte Council (MINC).
“We proposed a cash-for-work for jeepney and bus drivers in the province so we can assist them somehow, which was already implemented,” natutuwang sinabi ni Perry Martinez, MINC Executive Director.
“The ‘Libre a Pagluganan’ (Free Ride) Program ay marami pa para sa ating frontline workers.  Ang mga jeepney drivers na nabigyan ng trabaho sa ‘Libre a Pagluganan’ ay kakaunti lamang, that’s why we have come up with the CFW proposal,” dagdag niya.
Ang programang cash-for-work na nakagiya sa paglilinis at pagtatanggal ng mga bara sa mga kanal bilang paghahanda sa tag-ulan ay isang kolaborasyon ng Provincial Social Welfare and Development Office, ng Provincial Environment and Natural Resources Office, at Office of the Barangay.
Nagsisilbi ng limang araw ang mga benepisaryo upang makumpleto ang programa at makakatanggap ng PhP1,225.00 na suweldo.
Isa pa, ang 15 PUJs ay itatalaga sa napiling pick-up at drop-off points upang masakyan ng healthcare workers, non-medical frontliners, at medical patients. Tatanggap ang mga driver-beneficiaries ng araw-araw na subsidiya sa gasoline at PhP340.00 na suweldo.
Hindi bababa sa 9,105 frontliners at 317 medical patients ang nabenipisyuhan na ng libreng sakay na programa.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon