PNP hinihikayat ang mga residente ireport online ang mga lumalabag sa quarantine

LUNGSOD NG LAOAG – Hinihikayat ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang mga residente na ireport ang mga lumalabag sa quarantine protocol sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng social media page nito.
Isang Facebook page ang nilikha na tinawag na “iReport kasi iCare” na para sa “citizens reports” sa mga taong binabalewala ang mga protocol habang nananatili ang probinsiya na nasa isang mas mahigpit na community quarantine dahil sa tumataas na mga kaso ng COVID-19 at pagkakaroon ng ibang COVID-19 variants.
Ang mga may mahuhuli o makikitang lumabag ay maaaring ireport sa pagpapadala sa Facebook page ng litrato o video bilang ebidensiya ng paglabag. Dapat sundin ng magpapadala ang format na ito: Pangalan, Tirahan, at Reklamo.
Para sa panahon ng Agosto 16-22, nakahuli ang mga awtoridad ng 176 katao na may mga paglabag na hindi pagsusuot ng face masks, hindi pagsunod sa social distancing, curfew, liquor ban, social gatherings, at hindi awtorisadong paglalakbay.
Sa nasabing panahon, angmunisipalidad ng San Nicolas ang mayroong pinakamaraming bilang ng taong nahuli ng PNP na may 42 lumabag at Lungsod ng Laoag ay may 35 na mga lumabag.
“Maaari rin i-report nila sa malapit na police station sa kanilang lugar,” ani Laoag City Police Chief Rafael Lero sa isang press briefing. Patuloy ang paalala ng INPPO sa mga ‘kailians’ na manatiling mapagmasid at mahigpit na sumunod sa health protocols upang mapigil ang patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa komunidad.
Hanggang Agosto 23, ang probinsiya ng Ilocos Borte ay mayroong 4,225 active cases; 9,479 recoveries; 156 death cases; at 13,860 total confirmed cases.
(MJTAB-PIA IN/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon