Presyo ng school supplies sa Pangasinan, tumaas ng 30%

LUNGSOD NG DAGUPAN – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan na ang presyo ng karamihang school supplies sa probinsiya ay nagtaas ng 30 porsiyento mula sa suggested retail price (SRP) na inilabas ngayong Mayo.
Sa panayam kay DTI Provincial Director Engr. Peter Mangabat, sinabi nito na ang mga notebooks na nagkakahalaga ng P11 noong nakaraang taon ay ibinebenta na sa halagang P15 ngayon, bagaman ang presyo ay nagkakaiba ayon sa brand name.
Iniugnay niya ang mataas na presyo sa maraming kadahilanan.
“The Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law is one of the reasons as there is an additional excise tax in raw materials, so it is given that the prices of finished products will increase. The high price of crude oil is also another factor,” aniya.
Inihayag ni Mangabat na ang pagbabago ay maaaring bahagyang angkop sa pagtaas ng demand.
“As long as it does not exceed the SRP that DTI has set, then everything is good,” aniya.
Bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng mga school supply at ang paghahanda sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo, magsasagawa ulit ang DTI ng Diskwento Caravan sa bayan ng Anda sa Mayo 25.
“School supplies and other goods will be sold on relatively low prices,” dagdag ni Mangabat.
Hinikayat din ni Mangabat ang consumers na iulat ang mga establisimiyentong nagtitinda ng overpriced school items, at hindi sumusunod sa kanilang SRP.
“It would be wise if consumers would visit dti.gov.ph to check the suggested retail price of school supplies,” ani Mangabat. A.PASION, PNA

Amianan Balita Ngayon