Provincial librarian tumangap ng parangal

PHOTO CAPTION: “PAPURI.” – Makikita si Gov. Pacoy Ortega kasama si provincial librarian Marissa Acosta hawak ang certificate at suot suot ang medalyang parangal ng National Library of the Philippines.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa paglinang ng dunong sa pamamagitan ng pagpapatibay ng serbisyo ng Panlalawigang Silid-Aklatan. Kamakailan ay tumanggap ng parangal si Provincial Librarian Marissa D. Acosta mula sa National Library of the Philippines (NLP) sa isinagawang patimpalak para sa 2020 Gawad Parangal sa Natatanging Propesyunal na Tagapangasiwa sa Pampublikong Aklatan.
Iginawad ni Gov. Pacoy Ortega ang medalya mula sa NLP, bilang bahagi ng ‘virtual awarding ceremony’ na isinagawa ngayong araw, ika-25 ng Agosto. Sa pamamagitan ng ating silid-aklatan, ang Pamahalaang Panlalawigan ay patuloy ng maghahatid ng serbisyo sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral, mananaliksik at iba pa, sa kabila ng umiiral na pandemya.
Bukas ang La Union Provincial Library mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon Lunes-Huwebes, at hanggang alas-12 ng tanghali tuwing Biyernes. Striktong ipinatutupad ang ‘minimum public health standards’ para sa mga bibisita sa aklatan para sa kaligtasan ng kalusugan ng lahat.
 

Amianan Balita Ngayon