Pulis at sundalo nakaantabay na sa E-Day

LA TRINIDAD, Benguet – Ipinakalat na ng Police Regional Office- Cordillera (PROCOR) at ng Philippine Army ang kanilang mga tauhan para magbantay sa iba’t ibang polling centers,para masiguro ang mapayapang halalan sa Lunes, Mayo 13.
Sa kabuuang 7,944, ay 6,244 ang pulis at 1,700 ang mula sa military contingents, na ngayon ay naka-kalat na sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, partikular na sa lalawigan ng Abra, na ngayon ay under area of grave concern.
Ipinaliwanag ni Police Brigadier Israel Dickson, regional director, sa nasabing bilang ng contingent ay 2,738 police personnel ang mismong magbabantay sa mga voting centers; 280 naman sa mga election hubs at canvassing centers; 413 naman ang magmamando sa mga election monitoring centers; 1,890 ang magsisilbing reactionary standby at support force; 290 ang nakatalaga sa ibang law enforcement duties; at 2,333 na kinabibilangan ng 633 police at
1,700 army personnel mula sa Fifth and Seventh Infantry Division of the Philippine Army ang magsisilbing quick reaction teams.
Nagbabala at nagpa-alala din si Dickson sa mga ipinakalat na personnel na huwag maging pabaya at maliitin ang mga threat groups sa kani-kanilang lugar at panatilihin ang walang kinikilingan, maging neutral at maging propesyunal sa simunpaang tungkulin.
“The primary mission of the PNP is to provide security to ensure safe, credible and honest conduct of the elections in our region at umaasa ako sa mapayapang halalan na magaganap,” paliwanag ni Dickson.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon