Cordillera alerto sa lindol sa oras ng halalan

CAMP DANGWA, La Trinidad – Nasa full alert ang Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at reresponde sa mga emergencies upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng halalan sa Mayo 13, ayon sa iang opisyal noong nakaraang Martes.
“We are ready and will be on alert as the election nears, even if it will be an earthquake that will happen,” ani Albert P. Mogol, chairman ng CDRRMC at Office of Civil Defense regional director.
Sinabi ni Mogul na tutulong ang CDRRMC sa Commission on Elections (Comelec) para sa maayos na pagdaraos ng halalan, sa oras na may mangyaring isang lindol sa mismong araw ng halalan o pagbibilang ng mga boto.
“In coordination with the Philippine National Police (PNP) and Comelec, the CDRRMC is ready to help in case there would be an emergency that will happen on the day of the election,” aniya.
Miyembro din ang PNP ng CDRRMC sa ilalim ng security and safety cluster. Sinabi ni Mogol na ang CDRRMC headquarters sa Camp Henry Allen ay paiigtingin ang pagiging alerto at magiging 24/7 sa pagmomonitor na handa sa pagresponde sa mga kaso ng emergencies.
Ilang lindol ang nangyari kamakailan sa iba’t-ibang lugar ng bansa. Noong Lunes, isang 5.4 magbitude na lindol ang tumama sa bahagi ng Ilocos Norte. Wala namang naiulat na pagkasira o namatay dahil sa nangyaring paglindol.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon