PVAO nagbabala kontra fixers sa Ilocos Sur

LUNGSOD NG VIGAN – Inabisuhan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO)-Field Service Extension Office sa Ilocos Sur ang mga benepisyaryo ng pension laban sa mga fixers sa pagtanggap ng PVAO benefits kapalit ng pera.
Inilabas ni PVAO-Ilocos Sur Veterans Assistance Officer Aprille Alviarne ang babala nang makatanggap siya ng mga ulat na may mga fixers na bumibisita sa mga PVAO pensioners sa kanilang mga residente na nanghihikayat na makatatanggap sila ng mga benepisyo kapalit ng P20,000.
“Please be informed that these people are not PVAO employees, and they are not authorized to transact with PVAO pensioners,” ani Alviarne.
Idinagdag niya na ang mga benepisyo ay awtomatikong inire-remit sa mga account ng PVAO pensioners.
Nagbabala rin siya sa mga kliyente ng PVAO na huwag pipirma sa anumang dokumento o magbigay ng mga detalye sa kanilang pension kaninuman, at iulat ang kaduda-dudang transaksiyon sa kanilang opisina.
Ang mga fixers ay mga taong sangkot sa operasyon ng isang government office na mayroong access sa mga taong nagtatrabaho doon, na nangangasiwa ng madaliang transaction para sa kikitaing pera o anumang ibang benepisyo. Ang kanilang kilos ay illegal at pinaparusahan sa ilalim ng Republic Act 9485 o ang Anti-Red Tape Ace of 2007. J. M. QUIMOYOG, PIA-1, ILOCOS SUR / ABN

Amianan Balita Ngayon