Strawberry Festival, tuloy kahit kulang sa budget

Feb 4, 2017

LA TRINIDAD, BENGUET – Bagaman kalahating milyon lamang mula sa target na P2.9 milyon ang hawak na budget ay nakahanda na ang bayan ng La Trinidad para sa taunang selebrasyon ng Strawberry Festival.
Sa isang panayam kay Municipal Tourism Officer Valdred Olsim ay inamin nito na P0.5 milyon pa lamang ang hawak nilang budget na tinatayang 17 porsyento lamang ng target budget.
Aniya, P250,000 ay gagamitin para sa pagpapakain sa komunidad bilang bahagi ng pagdiriwang at ang natitirang kalahati ay inilaan para sa iba pang aktibidad.
Sa kabila nito ay sinigurado ni Olsim na ang kakulangan sa budget ay hindi makakaapekto sa taunang selebrasyon dahil patuloy pa rin silang umaapela sa mga konsehal ng bayan na aprubahan ang hinihiling nilang budget.
Inaasahang makakatulong din ang pagbubukas ng trade fair upang malikom ang ninanais na budget na P2.9milyon para maisakatuparan ang lahat ng aktibidad at maiwasang magkaroon ng shortage sa pondo.
Samantala, tatalakayin sa isang kapihan sa ika-8 ng Pebrero sa BSU Strawberry Farms ang iba’t-ibang aktibidad at mga isyu kaugnay sa pagdiriwang ng Strawberry Festival.
Ilan sa mga nakatakdang aktibidad ay ang Owik tan Tayao, Drum and Lyre Parade, Mass Wedding, Mr. and Ms. La Trinidad na gaganapin BSU Gymnasium at isang pang pinaghahandaan ng munisipalidad ay ang pagbabalik ng Giant Strawberry Cake.
Ani Olsim, hinihintay pa ang kompirmasyon ng Valley Bread na posibleng gumawa ng higanteng cake na ito. Ngunit bilang alternatibo ay maaring isang local bakeshop sa La Trinidad ang magsakatuparan nito.
Sa kabila nito ay positibo pa rin si Olsim na magiging matagumpay ang selebrasyon ngayong taon.
Sa isang niyang post sa social media noong Pebrero 2 ay inihayag ng tourism officer na ipinagmamalaki nito ang partisipasyon ng mga barangay, paraalan at pribadong partners ng La Trinidad. “We are proud that despite our limited funding, we are ambitious in having as many activities that we can so that our folks and visitors alike can enjoy our country’s only Strawberry Festival,” aniya.
Inimbita ni Olsim ang mga turista at bisita na bukod sa Panagbenga ng Baguio ay tunghayan din ang selebrasyon ng ika-36 Strawberry Festival na ang tema ngayong taon ay “Sustaining the fruits of La Trinidad’s agro-eco tourism”. Aubrey Morales, UC Intern / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest