TESDA magsasanay ng mga sumukong rebelde at IP sa Cordillera

LUNGSOD NG BAGUIO – Magbibigay ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng isang institution-based and communitybased training para sa mga nagbalik-loob na rebelde at mga miyembro ng indigenous peoples (IP).
“TESDA has launched the Rural Employment Generation for Social Equity (REGSE) projects which is in accordance with the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), the Executive Order No. 70 also known as the ‘Task Force Balik-Loob’,” pahayag ni TESDA-CAR officer-in-charge Manuel Wong sa isang panayam noong nakaraang Huwebes.
Ang programang REGSE ay naaayon sa adbokasya ni Pangulong Rodrigo Duterte napagbukludin ang mga dating rebelde pabalik sa lipunan, tulungan ang mga IP at iba pang espesyal na kliyente upang mapahusay ang kondisyon ng kanilang pamumuhay.
Sinabi ni Wong na nakapagbigay na sila ng technical-vocational training sa 119 na sumukong rebelde noong nakaraang taon bilang bahagi ng pagpupursige ng gobyerno na bigyan sila ng mas mabuting buhay kapag bumalik na sila lipunan.
“I am assuring you that TESDA-CAR will be providing better services to all of our clients and make government more visible to beneficiaries,” aniya.
Sa kasalukuyan ay nakikipagtulungan ang mga regional at provincial office ng TESDA sa Philippine National Police, National Commission on Indigenous Peoples, at sa Armed Forces of the Philippines para sa mga pinagsamang programa.
 
PNA/PMCJr/ABN

Amianan Balita Ngayon