UB NAGSAGAWA NG LIBRENG COMPUTER SYSTEM AND ENGINEERING CONSULTATION SERVICES SA PUBLIKO

BAGUIO CITY

Nagbigay serbisyo muli sa ikatlong pagkakataon ang University of Baguio – Research Innovation Extension and Community Outreach (RIECO) Office sa pamamagitan ng libreng Computer System and Engineering Consultation Services sa publiko na ginanap sa Malcolm Square, noong Marso 12. Upang mas mapatatag ang bayanihan, layon ng programang ito na matulungan, magbigay serbisyo at konsultasyon sa mga residente ng Baguio, na isa nga sa pinaka-ginagamit sa trabaho at ng mga estudyante ay ang mga gadgets lalo na ang mga kompyuter.

“Regarding sa amin, MIS, tungkol sa mga computer, or kung pwedeng may for repairs na laptop or installation ng free open source na mga softwares, bali yun yung offer namin. Tapos consultations about pag-purchase nila ng mga laptops and gadgets,” paliwanag ni Romeo Amiten, University of Baguio – Management Information System (MIS) Office Technical Support. Ang nasabing aktibidad ay alinsunod pa rin sa selebrasyon ng ika-75th Founding Anniversary ng University of Baguio, na hanggang buwan ng Mayo ay may iba’t ibang programang nakalatag sa publiko.

“Five event yan, so January hanggang May. So every month, may mga clusters na inassign si President Javy na maghahandle non. So, ‘yon ‘yong reason kung bakit meron ito para sa extension program talaga,” ayon sa naunang panayam kay Jonald Aglosolos, University of Baguio – Finance Department. Ilan sa mga serbisyong nakapaloob sa programang ito ay ang Virus Scanning, Reformatting, Installation of Open Source Applications, Consultation on Procurement of Computer Peripherals, Computer Set, Laptop, Network, Etc., Troubleshooting, Structural Designs, Consultation on Building Permit, Sanitary-Related Concerns, Occupational Safety, at Equipment Maintenance.

Sa pagbibigay ng konsultasyon, ilang kawani ng DICT (Department Of Information and Communications Technology) at mga empleyado rin mismo ng nasabing unibersidad mula sa School of Information and Technology (SIT) at Management Information System (MIS) Office ang makikipag-usap at magbibigay ng payo sa mga kliyenteng tatangkilik sa nasabing serbisyo. Dagdag pa ni Amiten, “Ito ay isang parang way to give back to the
University of Baguio, and since giving back, syempre free, para maganda itong itake opportunity ng public kasi free, at lalo na ngayong kasama natin ang DICT.”

Bukod sa Medical – Dental Mission and Blood Donation Drive at Travel and Business Consultation na naganap nitong Enero at Pebrero, magkakaroon din ng Book Donation Drive na gaganapin sa Abril 27, ngunit ngayon pa lamang ay inaanyayahan na ang publiko na magdonate ng libro. Sa pagtatapos ng nasabing programa, matagumpay at taos-puso namang nagagalak ang pamunuan ng nasabing unibersidad dahil sila ay masayang nakapagbigay serbisyo sa mga taong sumuporta, sumubaybay, at magpakonsulta.

By: Valerie Ann E. Dismaya/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon