2.4M nagrehistro na sa PhilSys Step 2 sa Ilocos Region

May 2.44 milyon na ang nagrehistro sa rehiyon ng Ilocos para sa Srep 2 ng Philippine Identification System (PhilSys) hanggang Oktubre 27.
Sinabi ni Camille Carla Beltran, Philippine Statistics Authority (PSA) Ilocos Region civil registration at administrative support division officer-in-charge, na sa kabuuang bilang, 155,000 ay mula sa Ilocos Norte, 396,000 mula Ilocos Sur, 442,000 mula La Union, at 1.45 million ay mula sa Pangasinan.
“These include all transactions who had registered regardless of age,” aniya sa isang panayam noong Miyerkoles.
Idinagdag ni Beltran na ang Ilocos Birte ay 82 porsiyento na sa kanilang target, Ilocos Sur sa 79 porsiyento, La Union sa 72 porsiyento, at Pangasinan sa 62 porsiyento.
“We know that Pangasinan has a large population since it is the biggest among the four provinces in the Ilocos Region,” aniya.
Sinabi ni Beltran na ang PhilSys cards ay ihahatid ng Philippine Postal Corporation.
“Some took six months to deliver due to the verification process because of duplication. We make sure there is no duplication,” ani Beltran.
Ayon pa kay Beltran na ang PhilSys registration Step 2 para sa lima hanggang 14 taong gulang na mga menor de edad sa iba’t-ibang lokalidad sa rehiyon depende sa umiiral na quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force sa lugar.
“The other local government units (LGUs) allow minors to go out, however some do not, so it is still under the guidelines of the respective LGUs,” aniya.
Sa Step 2 ay ang aktuwal na pagpirma kanilang ang validation ng demographic information at capture of fingerprint, iris, a face images sa mga PhilSys registration centers. Samantala ay binalaan ng PSA ang publiko na huwag nilang ipost ang kanilang PhilSys card sa online o ipahiram ito sa ibang tao.
“It may be copied or falsified especially the PhilSys number, which is unique in every individual.
So beware of posting online or lending it to other people,” ani Beltran.
Sinabi ni Beltran na wala sa PhilSys card ang mga pirma ng may-ari nito upang mahadlangan ang paggaya ng pirma. Gayunman, sinabi niya na ang isang machine reaser o isang quick response code scanner ay maaaring makuha ang kinakailangang inpormasyon ng may hawak nito, kasama ang lagda.
“We had a memorandum of agreement with some national government agencies who would honor the PhilSys card as a valid identification card even in the absence of the signature of the bearer while we are working on the acceptance of other institutions,” dagdag niya.
Sinabi ni Beltran na magkakaroon na ng isang machine reader sa regional office ng PSA sa La Union upang simulant ang paggamit nito sa pag-scan ng PhilSys cards. Nilagdaan na maging batas ni Pangluong Rodrigo R. Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay layong itatag ang iisang national ID para sa lahat ng Pilipino at resident aliens.
Ang national ID ay magiging valid proof ng pagkakakilanlan na magiging isang pamamaraan ng pagpapasimple ng pampubliko at pribadong transaksiyon. Enrolment sa mga paaralan, at pagbubukas ng mga bank account.
Layon din nito na palakasin ang kakayahan, lalo sa pakiki-ugnayan sa mga serbisyo ng gobyerno kung saan kailangan lamang ipakita ng mga tao ang isang ID sa mga transaksiyon.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon