2 silid-aralan sa Pangasinan nasunog

LINGAYEN, PANGASINAN – Dalawang silid-aralan sa Pangasinan National High School (PNHS), isa sa paaralang pagdarausan sana ng nalalapit na National Schools Press Conference (NSPC) ang nasunog Lunes ng gabi (Enero 14).
Sinabi ni Supt. Eddie Jucutan, provincial director ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pangasinan, na naiulat ang sunog bandang 8:10 ng gabi.
“It has reached second alarm and was fire out at 9pm. Fire trucks from Binmaley, Dagupan, Labrador, Bugallon and three from Lingayen fire stations joined together to put off the fire,” pahayag niya sa isang panayam noong Martes.
Sinabi niya na ang mga silid-aralan na yari sa kahoy at magagaang materyales noong 1994 ay nasunog nang husto maliban sa mga poste at bubong nito.
“We are still conducting an investigation to determine the cause of the fire and the total amount of damage,” ani Jucutan.
Bago nangyari ang sunog ay nagsagawa ang BFP ng inspeksiyon sa paaralan noong Lunes bilang bahagi ng paghahanda sa NSPC na gagawin sa probinsiya simula Enero 27 hanggang Pebrero 1.
“The report of the inspection will be submitted to my office on Thursday, and our fire marshals are scheduled to present their findings and recommendations to the principal today, but the two classrooms were (specifically) not part of the inspection since these are not to be used as billeting areas,” aniya.
Samantala ay sinabi ni PNHS Principal Elvira Viray sa isang panayam sa radyo na may sapat pang mga silid-aralan ang paaralan at ibang lugar kung saan magagamit ng mga mag-aaral ng grade 10 students na nasunugan ng silid-aralan.
“We have the library, the covered court among others where they could have their classes,” aniya.
Siniguro din ni Viray na hindi maaapektuhan ng insidente ang nakatakdang NSPC.
H.AUSTRIA, PNA/PMCJR/ABN

Amianan Balita Ngayon