4 high value target, nasakote sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Apat na high value target ang nasakote sa magkakahiway na operasyon ng pulisya at nahulihan ng mga illegal drugs at armas, ayon sa Benguet Provincial Police Office. Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, magkakasumod na serch warrant operation ang isinagawa ng pulisya noong Biyernes mula sa bayan ng Sablan,Buguias at Mankayan.

Ayon kay Ragay, nahuli sa search warrant operation ang suspek na si Rodil Sayud Del-isen sa kanyang bahay sa Payoen Building, Upper Abatan, Buguias, Benguet, Nakuha sa kanya ang isang blue sling bag na naglalaman ng 2 small heat sealed suspected to be shabu.

Nasakote din sa kanyang bahay si Jessie Morris Maximo Jr., ng Landingan, Bangao, Buguias, Benguiet at nakuha sa kanya ang improvised shot gun (pistol type) without serial number at dalawang transparent heat sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu.

Hindi rin nakapalag sa operation ang suspek na si Jake Sayud Del-isen, ng Sitio Pacpacongan, Tabbac, Bulalacao, Mankayan, Benguet at nahulihan ng 4 heat sealed sachets na naglalaman ng shabu; 1 Cal. 22 rifle; 3 live ammunitions for Cal. 38 revolver; 9 live ammunitions for Cal. 45 pistol;14 empty shells of Cal. 45 pistol; 2 live ammunitions for M14 rifle at 1 used roll of aluminum foil.

Nahuli din sa search operation ang suspek na si Rogelio Cabico Bagtas at nahulihan ng 9 pcs heat sealed transparent plastic sachets ng shabu; -1 hand grenade; isang 12 gauge live shotgun ammunition at mga drug pharaphernalias .

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon