88 kaso ng HIV naitala sa Baguio

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Sa nakalipas na 13 taon, ang Summer Capital ay nakapagtala ng 88 kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), na ang kasong men having sex with men ay may mataas na bilang, kumpara sa female sex workers.

Ayon kay Assistant City Health Officer Dr. Celia Brillantes, ng Baguio AIDS Watch Council (AWAC), 88 na HIV patients na nasa pangangalaga ngayon ng Regional Health and Wellness Center HIV treatment hub,ay 85 ang lalaki at 72 dito ay nagkaroon ng infections dahil sa pakikipagtalik sa kapuwa lalaki.

Sa 88 pasyente ay 68 ang kasalukuyang ginagamot matapos ang libreng blood tests at chest x-rays, pero ayon kay Brillantes kaiangan nila ang CD4 CT machine para masuri ang kanilang immunity levels para makompleto ang tests.

Nagbabala din si Brillantes na ang HIV ay patuloy na seryosong health threat sa bansa na nakapatala ng 32 infections dily o’ sa kabuuang 85,651 mula noong Enero 1984. “Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso, ang AWAC ay gumawa ng bagong online HIV approach para palawakin ang outreach sab ago at datihang pasyente,” pahayag pa ni Brillantes.

Aniya may bagong batas on AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) in the form of RA 11166 or the Philippine AIDS and HIV Policy Act na naipasa noong Disyembre 2018 o’ 20 years matapos ang country’s first AIDS/ HIV law.

“Ang bagong batas na ito ay tinanggap o’ inayunan ng World Health Organization (WHO), dahil makakatulong ito para palawigin ang mga programa laban HIV/AIDS.”

Zaldy Comanda/ABN