Araw ng Kalayaan 2018

Pinangunahan ng mga empleyado ng SM City Baguio ang pagdaraos ng munting pagtitipon ng kalipunan ng Cordillera mula sa Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Apayao at Benguet na nagpakita ng pang-kulturang sayaw ng katutubo na maipagmamalaki ng Pinoy bilang paggunita sa ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan. Dinaluhan nina Baguio City Vice-mayor Edison R. Bilog; Jennifer Bugtong ng Girls Scout of the Philippines; Ramon Jacinto ng BSP; P/Supt Manoli, deputy city director for administration; P/Supt Armando Gapuz; at Baguio youth artists. Kasama rin ang mga tagapangasiwa ng SM Baguio na sina Marc Jansen Pe, AVP for Operations; Irene Manjares, Regional HR Manager; Rona Vida Correa, Mall Manager; Yoej Yan, Group Marketing Manager; John Paul Arnaiz Asst. Mall Manager; Karren P. Nobres, PR Manager; at ng SCMC employees sa SM Baguio noong ika-12 ng Hunyo 2018.

Amianan Balita Ngayon