Author: Amianan Balita Ngayon

Digong for Vice Pres. ….@#$%*&!????

MARIAKUSINA IMPUSIPOS ELEMENTARY ISKUL ANNEX!!!!!! Ano ba ere???? Ewan…pero biglangnagsulputan ang maraming tanong at pero at kuwan nang bumulaga nga ang desisyon ni Pres. Digong na tatakbong bise sa eleksiyon. Aba’y talagang maraming natulala. Pero sabi ng ilan – meron siyang karapatan upang maipagpatuloy daw ang kanyang mga programa. Hmmm….kasi nga naman, batid na ng […]

Buti na lamang may Tokyo Olympic!!!

Sus maryusep…buti na lamang at sumingit sa Pandemya ang Tokyo Olympic. Pag nagkataon…baka lalo tayong kakalampagin ng maraming kababalaghan, takot, inis at pagka-temang. Kung bakit…yan ang ating tema at mga eksena ngayon: Buti na lamang at may sports (Olimpiada sa Japan) na umagaw sa mga eksena ni Covid-19. Anu-ano ba kasi ang mga eksenang Covid […]

Turukan bumagal… Pulitika bumilis!

Malayo pa raw ang eleksiyon ngunit namumuro na sa pabilisan ng usad ang mga nagpaparamdam na mga pulitiko. Sabi nga nila – medyo mabagal pa rin daw ang usad ng turukan o bakunahan pero ang usad ng pultika, para na raw “bullet train” sa bilis. Tanong: BAKIT KAYA? Ito nga mga pards ang ating pupulsuhan […]

Kontrobersiya sa Bakuna…Lumala???!!

Mariakusina….sa halip na maampat ang kontrobersiya tungkol sa bakuna…lalo pa yatang lumala! Yan ang naging laman ng mga upakan hanggang sa sinusulat ang espasyong ire. Ang pinakamatindi ay yong upak ni Pres. Duterte na yong mga ayaw magpabakuna ay ipaaaresto. Teka lang pards…bago natin husgahan ito…kilatisinmuna natin hane? Totoong may banta nga si Digong kamakailan […]

Bakuna dumadagsa na… Pulitika umiingay na!!!

Isang taimtim na panalangin at pagbubunyi ang pahabol ng Daplis sa nakaraang Araw ng Kasarinlan ng bansa noong June 12. Lagi rin ang dalangin ng marami na sana’y gamitin natin ang diwa ng araw na ito para sa pagkakaisa para sa mas matatag na bansa ngayon at sa hinaharap. Kung baga sa takbo ng barko […]

Pandemya at pulitika… Nag-uunahan sa limelight?

Ilang araw na lang…atin na namang gugunitain ang araw ng ating kasarinlan. Pero sa tuwing mapag-uusapan ito…laging bumubuntot ang tanong na – Malaya nga ba tayo? At paulit-ulit naman ang kasagutan – sobra-sobra na ang ating kalayaan. Ang talamak ay ito: MALAYA tayong gumawa ng maski ano kahit ito ay illegal, di ba? Sa panahon […]

Mga pasaway… Papano ba talaga sasawayin?

Sus maryusep mga Ka-Amianan mula silangan hanggang kanluran….nakakanerbiyos talaga at nakakaalarma na ang pagdami ng mga pasaway. Nakalatag na nga riyan ang mga health protocol pati na ang mga parusa…lantaran pa rin ang pagsuway. Hindi na lang sa mga malalaking siyudad kundi hanggang sa liblib na lugal, tudo-pasaway talaga. Sige, isaisahin nating kaliskisan ang mga […]

Mga tanong sa West Phil. Sea!!!

Mula noon hanggang ngayon…pa t un gpatong na ang mga katanungan hinggil sa mga isyu sa West Phil. Sea. Patungpatong din ang sala-salabat na hakahaka. Ngunit wala pang konkretong kasagutan. Grabe ang problema sa isyung ito. Dapat maagapan baka lalo pang lumala at magbunga ng mas masahol pa sa kasalukuyang pandemya dahil kay Covid-19. Sige, […]

Pantry…Bagong kontrobersiya????

Liban sa isyu ng Covid-19 at bakuna, nakikisabay pa ang tensiyon sa WPS…pero may bumuntot na kontrobersiya – ito ang mga Community Pantry sa buong bansa. Sus mariakusina….di na ba tayo nawalan ng kontrobersiya? At bakit naging usap-usapan kasi ang Pantry na ito? Hindi ba’t ang adhikain nito ay “TUMULONG SA MGA NANGANGAILANGAN?” Nasa pandemya […]

Bakunahan….Sungki-sungki pa rin!

Anak ng buwayang nakaupo sa opisina…ano ba talaga ang dapat mangyari sa atin? Andiyan na nga ang unang bakunang dumating – ang Sinovac. Di pa rin magkaisa. May nagsasabing mahina raw. May nagsasabing maghintay na lang ng ibang bakuna. Sus ginoong walang saplot….ganito na tayo noon pang panahon ng mga kastila. Hanggang ngayon ba naman, […]

Amianan Balita Ngayon