Author: Amianan Balita Ngayon

Timbangan ng pulitika, kulang at sobra!

Sa wakas tapos na ang circus sa filing ng COC. Sabi nga ng Comelec wala ng extension kundi hintayin na lamang ang pinal na listahan sa Disyembre pagkatapos himayhimayin ang mga pangalan ng mga gustong maging Public Servant. Pero bakit sinasabi ng ilang observers na parang circus daw ang filing? Sige, timbangin natin ang lahat, mga […]

Maraming Pinoy ‘naghihirap’ daw! Owwss?

Sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey kamakailan, lumabas na may 52% ng pamilyang Pinoy ay naghihirap o turing ang kanilang sarili na ‘mahirap’. Ito ay sumabay pa sa panahon na matataas ang presyo ng mga bilihin, kulang ang supply ng isda, karne, bigas, at maraming iba pang produkto.

Mocha, nag-resign pero may banta!

Maryunes mga pards, akala ng marami na nabunutan na sila ng tinik sa pagre-resign ni Mocha Uson (dating PCOO Usec.) pero baka mas malaking tinik ang kapalit. Ganern?  Naman, talagang ganun nga ang mangyayari dahil may iniwang banta si Mocha. Sabi nga niya: “Abangan ninyo, bakbakan na ito, bakbakan na talaga ito!” Maryusep mga mahabaging […]

Giyera kontra droga, hanggang kailan?

Isang dambuhalang katanungan ang giyera sa droga, hanggang kailan? Kahit pa siguro mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin hindi nya agad-agad  masasagot. Lalo pa ang sambayanan na mulat sa kaganapan at garapalang nangyayari sa bansa dahil sa illegal na droga. Sunud-sunod ang mga raid na isinasagawa ng mga otoridad. Marami ang nasasakote. May mga napapatay dahil […]

Ompong, maraming iniwang eksena!

Habang sinusulat ang espasyong ito, nakakalungkot ang eksenang iniwan ni Ompong dahil marami pang hinuhukay na mga natabunan sa mga slides, may 74 na ang naitalang namatay,  marami pa ang nawawala liban sa mga nasugatan, nawalan ng bahay at ari-arian at nasira ang kanilang mga pananim. Resulta: mapait ang hinagpis na namumuo sa buhay ng mga […]

Bagyong Trillanes sinabayan ng bagyong Ompong

Aank ng pating na minalarya, ano ba ireng nangyayari sa ating bansa?  Sala-salabat na ang mga bagyong balita. May bagyong upakan sa Kamara, sa Senado, sa Hudikatura, sa Ehekutibo at iba’t ibang sangay ng gobyerno. Haay naku, ang liit ng ating bansa ngunit ga-higante ang mga umuupak na problema. Kung sa bagyo, aba’y super cyclone […]

Trillanes, handa na ang selda?

Habang sinusulat ang espasyong ito, masalimuot pa rin ang isyu hinggil kay Sen. Antonio Trillanes 1V. Ang sentro ay kung maaresto ba siya at maikukulong o mananatili siya sa saya ng Senado? Kailan ilalabas ang HDO – Hold Departure Order at Warrant of Arrest nito mula sa korte? May utos na ang pangulong Duterte (kahit […]

Duterte… minura, binastos ng mga kabataan!

Anak ng pating na baog naman pati ba naman mismong pangulo ng bansa natin, kaya nang murahin ng mga kabataan? Maryunes! Siyento porsiyentong pambabastos na ito at kawalan ng galang o respeto. Kapag minura mo ang pangulo ng isang bansa parang buong bansa na ang tama, di ba? Viral video ngayon sa internet ang ginawa […]

Sampal ni Digong kay Joma… say niyo?

Mga pards kapit kayo at lalong dumami ang mga kontrobersiyang hahatak sa atin sa kasalukuyan. Parang habagat na hinahatak ng bagyo, hane? Ano bang bago? Sampalan blues at ang bida rito ay si Pangulong Duterte. Ang kontrabida ay si Joma Sison ng CPP. Sus ginoo! Ano bang kinalaman ng sampalan sa tensiyon nila? Sige, sumunod ka […]

Pulis may nagisa, meron ding pinarangalan

Kamakailan nagluto si Pres. Duterte na siya mismo ang Chef. Ang putahe ay ginisang sinahugan ng kilo-kilong mura at halos di makaing rekado gaya ng Put…at iba pang maanghang na spices. Sabi nga nila kahit pa unggoy na isang buwan na ginutom ay hindi kayang lunukin ang niluto nii Pres. Digong. Siyento porsiyentong isusuka ang menu. […]

Amianan Balita Ngayon