Author: Amianan Balita Ngayon

Martial Law, hanggang kailan kaya?

Habang sinusulat ang espasyong ito, di pa tapos ang oral argument sa Korte Suprema hinggil sa isyu ng deklaradong Martial Law ng Duterte Administration para sa buong Mindanao. Ayon sa mga nagpetisyon, wala raw basehan ang naturang deklarasyon. Sagot naman ng mga pabor – merong basehan. Diyan nagsesentro ngayon ang kanilang balitaktakan. Wala muna kaming […]

Mga kontrobersiya sa ‘Pinas, patong-patong

Kung baga sa pagkain, bundat na bundat. Kung sa asaran-blues – sagad na sagad. Kung sa banatan at murahan – wagas na wagas. Yan ang kartada ngayon ng mga kontrobersiya sa Pilipinas, ang bayan kong sinilangan. Bayan kong hitik sa karumal-dumal na mga eksena lalo na sa pulitika. Pero kahit tuldok lang tayo sa mapa […]

Bakbakan sa Marawi, matatapos kaya?

Habang sinusulat ang espasyong ito, patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi City. Natural, patuloy din ang pagdami ng mga namamatay at nasusugatan. Kasama ring dumarami ang mga taong naiipit sa bakbakan. Di nila malaman kung saan kukubli at kung saan din kukuha ng makakain. Marami at darami pa ang problemang darating habang ang usok sa bakbakang […]

Bantang Martial Law, tinuluyan

Pagkatapos ng kung ilang mga bantang magdedeklara ng Martial Law sa Mindanao (in particular), tinuluyan na kamakailan (May 23, 2017) ni Pres. Duterte. Talagang wala nang atrasan. Mantakin mong nasa Kremlin (Russia) siya para sa kanyang limang araw na opisyal na misyon doon, sumabay pa ang mabigat na problema sa Marawi City. Kaya doon na […]

Anti-distracted driving law, maraming nalilito

Tone-toneladang tanong, upak, banat, iskrutiny ang bumunghalit sa sosyodad matapos naging batas ang  ADD Bill na naging batas – Republic Act 10913 o ang Anti Distracted Driving Law. Bakit naman? Ala eh, sandamukal daw ang mga isyu na dapat linawin bago ipatupad. Ang kaso, kabayan, eh ipinatupad na kamakailan (May 18, 2017). Pero sabi nila, oryentasyon […]

Napoles, pinawalang-sala! Ginoo!

Maryusep! Si Napoles ang tinaguriang Pork Barrel Queen, pinawalang-sala? Lusot na? Oh, my pork! Plunder ang kaso dahil grabeng limpak na pera ng bayan ang kinamal ng kanyang pekeng NGO na naging sanhi rin kung bakit nakabilanggo ngayon ang tatlong senador at marami pang nakasuhan, lalaya na? Haanooo? Sandali lang pards, relax lang. Hindi sa plunder case siya absuelto, ayon […]

Sen. Sotto inupakan ng mga kababaihan

Sumulak ang dugo ng maraming kababaihan (in particular) kay Sen. Tito Sotto kamakailan dahil sa iysu ng salitang: ‘NA-ANO LANG’! Hayagang binatikos ng Gabriela Partylist ang pahayag na ito ni Sotto kay DSWD Sec. Judy Anne Taguiwalo kaugnay sa pagiging single parent nito. Nangyari ito sa gitna ng hearing ng CA – Commission on Appointments, […]

Duterte, hindi nila tinatantanan!

Habang tumatagal sa Palasyo si Pres. Duterte lalong nagkakasala-salabat ang mga tangkang siya’y pabagsakin bilang pangulo. Kaliwa’t-kanan ang mga batikos at paninira. Ang pinakahuli ay ang isinampang kaso sa ICC (International Criminal Court) dahil daw sa paglabag sa karapatang pantao. Itinaon pang may ASEAN Summit dito sa bansa. Kaya sabi ng ilang analysts: hindi kaya […]

Kabaong bus, bakit bumibiyahe pa?

Susmaryusep, katatapos lang tayong nagngilin noong Semana Santa (Holy Week), panibagong dagok muli ang umatake sa atin lalo na sa mga naging biktima. Ano ba ire? Kalunos-lunos ang nangyari kamakailan sa isang naaksidenteng bus sa Brgy. Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija. Habang sinusulat ang espasyong ito, 31 na ang naitalang namatay at 46 ang sugatan. Ang […]

Aral sa Mahal na Araw, mahapdi!

Kung baga sa kurot ng pagibig, kaiba ang hapdi ng kurot ng Mahal na Araw.  Paano at bakit kaiba ang kirot? Masalimuot at may kurot ang bawat sandali ng mga nagdaang mga “Mahal na Araw” o ang “holy week”. Ating isasalang sa gunita ang ilan, mga pards:

Amianan Balita Ngayon