Author: Amianan Balita Ngayon
Tagong yaman, ibabalik ng mga Marcos?
September 3, 2017
Hanooo??? este, anooo??? Ibabalik ng mga Marcos (daw) ang kanilang mga tagong yaman? Teka lang pards, medyo may na-wrong spelling yata tayo o mali ang pandinig! Ibabalik ba o isosoli? Teka, parang parehas din, eh! Spelling lang ang magkaiba, di ba? Kasi pag ibabalik, ibig sabyan ay may kinuha. Kahit pa isoli, ibig sabihin – […]
EJK, muling nagkabuhay?
August 27, 2017
EJK – Extra Judicial Killings, medyo namahinga nang ilang buwan pero muling nagkabuhay bigla nang mapatay ang isang 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos sa pamamagitan diumano ng mga pulis-Caloocan. Habang sinusulat ang espasyong ito, hindi pa rin tapos ang imbestigasyon. Ngunit sa puntong ito, marami na ang mga naglabasang ulat, kuro-kuro, reaksiyon, nasaksihan, […]
Droga, may katapusan pa kaya?
August 20, 2017
Marahil hirap nating sagutin ang tanong na ito: kung kailan matatapos ang problema sa salot na illegal drugs sa ating lipunan. Alam ng sang-munduhan na saka lang ito nahalukay nang husto nang umupo si Pres. Duterte. Alam din ng lahat na matagal na ang salot na ito at marami na ang naging biktima sa ating lipunan. Kaya […]
Kung totoo, ano na?
August 13, 2017
Kung totoong hindi na talaga matutuloy ang Barangay at SK election sa darating na Oktubre, ano kaya ang mangyayari? Samot-sari ang pananaw ng ating mga kababayan dito. May nababahala dahil kung tatagal pa sa puwesto ang mga salot, este, mga batik sa lipunan na barangay officials, ano na ang mangyayari sa ating bayan. Kung totoo […]
Sex scandal sa 13 anyos, ano ba ito?
August 6, 2017
Parang bulkang pumutok ang balita kamakailan hinggil sa diumano’y isang pari o Monsignor ang hinuli at ikinulong pa dahil sa isyu (daw) ng sex scandal. Grabe ang balitang ito dahil marami ang sumakay. Mantakin mong 13-anyos lang na dalagita ang dawit. Ayon sa mga ulat, ibinugaw ito na may kapalit na pera. Ang nagreklamo sa […]
SONA ni Digong, ayos ba?
July 30, 2017
Sa wakas natapos din ang ikalawang SONA (state of the nation address) ni Pres. Duterte. Marami ang nagsabing: tunay na malaman, makabuluhan, makatotohanan at prangka. Sabi rin ng iba: kulang. Hindi nabanggit ang hinggil sa ENDO issue at iba pang mga mahahalagang isyu na bahagi ng mga ipinangako raw noon ni Digong. Sabi naman ng […]
SONA ni Digong, ano kaya ang laman?
July 22, 2017
Malaking palaisipan kung ano ang lalamanin ng ikalawang SONA (State of the Nation Address) ni Pres. Duterte bukas. Samut-sari na ang mga hula sa mga huntahan. At meron pa ngang nagpupustahan na, eh. Na ano? Papaano ang pustahan? Kung magmumura daw ba o hindi si Digong. Mas marami raw ang pumustang magmumura. Tsk tsk, sa ganang amin, marami ang mananalo. […]
Giyera sa Marawi, magtatagal pa kaya?
July 16, 2017
Malapit na ang pagtatapos ng 60-days simula nang ideklara ni Pres. Duterte ang Martial Law sa Mindanao. Ang pagkatig dito ng Korte Suprema kamakailan ay hindi maaaring sandalan upang dagdagan pa ang araw ng batas-militar. Dapat dumaan muli sa legal na proseso. Yan ang tapik ng mga legal na luminario lalo na ang kongreso. Kaya’t […]
Martial Law, preno o larga pa?
July 9, 2017
Preno na ba o larga pa ang martial law sa Mindanao, pagkatapos ng 60-days? Yan ang malaking katanungan ngayon. Buong bansa ang nagbalitaktakan hanggang sa kasuluksulukan ng mga barangay. May nagtatalak upang masabi lang na may utak (daw) sila. May dumadada kahit walang alam sa kung ano talaga ang Martial Law. Gusto lang umeksena. May nagbubunganga dahil may […]
Palit-ulo, no way sagot ni Digong
July 2, 2017
No way! Yan ang mabigat na sagot ni Pres. Duterte sa isyu ng palit-ulo. Ganito yan, pards. Kamakailan, sa pamamagitan ni Abdullah Maute, tumatayong lider ng mga teroristang Maute na palalayain daw nila ang kanilang mga bihag, kasama si Fr. Chito Suganob kung palalayain din ang kanyang ama na si Cayamora Maute at ina na […]