Giyera sa Marawi, tapos na ba?

Oct 21, 2017

Kamakailan ideneklara ni Pangulong Duterte na “liberated” na ang Marawi City sa kuko ng sumakop na mga terorista. Ibig sabihin: liberasyon na! Walang pinag-iba sa mga lugar kung saan sinakop noon ng mga lumusob sa bansa noong panahon ng mga giyera. Kapag tapos na ang giyera, liberasyon na ang susunod. Yan ang maliwanag na katuturan ng liberasyon ng Marawi mula sa kamay ng lumusob na mga terorista – Maute-ISIS group. Pero may nagtanong: bakit liberasyon na eh, may lumalaban pang mga terorista sa nalalabing maliit (daw) na lugar na kanilang kinukubkob sa ngayon.  Ayon sa AFP: hindi na gaanong matatratong mapaminsala pa ang bilang ng mga teroristang nalalabi. Pero hindi ba’t puwede pa rin silang suportahan ng kanilang mga kasamahan mula sa labas ng Marawi? Ang sagot uli ng AFP: guwardiyado-sarado na raw nila ang kinaroroonan ng mga terorista at malabong may makakapasok pang ugmentasyon ng kanilang tropa.

******
Kamakailan lang, may 12-terorista ulit ang napatay ng tropa ng pamahalaan. Kung totoong mga 30 na lang ang kabuuan ng tropa nila, ibig sabihin ay mga 18 na lamang sila ngayon? Sagot ng AFP: mga ganun nga. Pero daplis ng iba:  napabalita kamakailan na pwersadong inaarmasan at pinapalaban ng mga terorista ang kanilang hostages na ayon sa tala, meron pang dalawampung hostages ang hawak ng mga terorista. Sa palagay natin, napanghinaan na sila (terorista) ng loob mula nang mapatay ng mga sundalo ang kanilang mga pinuno (Omar Maute at Esnilon Hapilon). Pero hirit naman ng iba: bakit wala na bang pumalit sa kanila? Sa hanay ni Hapilon, tiyak marami pa siyang mga kasunod  mula sa iba’t ibang grupo ng Abu Sayaf na nagkalat sa Mindanao. At kahit patay na ang apat na magkakapatid na Maute, gaano tayo makakatiyak na wala ng kaangkan ng Maute ang papalit at maghiganti?

******
Nakapitong ulit nang dinalaw ni Pangulong Digong ang Marawi. Mahalaga ito upang mabigyan ng moral boaster ang mga puwersa ng gobyerno kontra sa mga nalalabi pang terorista. Kasabay na rin ng dalaw niya ang alamin ang kalagayan ng mga Bakwit o mga residenteng nasa evacuation centers pa rin at upang sabihin sa mga ito ang plano ng pamahalaan para sa kanila ngayong patapos na ang giyera. May mahigit sa 78,000 Bakwit o evacuees ang pinangakuang makakabalik na sila sa kanilang mga bahay bago magpasko. Maryusep! Sir Digong, sabihin nating matatapos na ang giyera at malaya ng bumalik ang mga Bakwit, meron pa ba silang mga bahay na uuwian? Di ba’t durog na durog na ang mga ito? Di ba mas maganda kung bilisang tapusin na ang mga pansamantalang tirahan nila upang doon sila magpasko? Dalawa hanggang tatlong taon daw ang rehab ng Marawi war zones. So ibig sabihin, matagal pa sa temporaryong tirahan ang mga Bakwit? Sa palagay natin, magkahalong tuwa (dahil liberated na sila) at takot o pangamba ang naghahari ngayon sa buhay ng mga Bakwit dahil di nila alam kung kailan sila makakabalik sa kanilang mga nawasak na tahanan. Sila raw ba ang sasagot sa pagpapagawa sa luray-luray nilang bahay at negosyo o aalalay ang pamahalaan? Para sa kanila, may kalabuan pa ang kanilang katayuan. In short, patuloy pa rin silang makikipag-giyera sa pangamba at hirap sa mahabang panahon. Sa puntong ito (dahil may mga kalaban pa) tanggapin natin na hindi pa tapos ang giyera sa Marawi! Say ninyo?

******
Please share your experience with LOLO DORO “JIMMY LUZANO” AKA. MR. CARIñOSO  as we celebrate 50 years in the industry.  Send at 0928-506-5269.  Thank you,   Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest