Bagong Sultan ng Baguio

Pinangunahan ni Guro Naguib, ng Lanao Royal Sultanate, ang panunumpa ng tatlong Sultan ng Sultanate of Baguio-Benguet, sa ginanap na enthronement noong Agosto 19 sa Venus Parkview, Baguio City. Ang bagong Sultan ay sina (mula kaliwa) Retired Colonel Omar Adigue, bilang Sultan Makapundug; Andres Roberto Moran, bilang Sultan Cabugatan; at Akjer Hadji Hakim, bilang Sultan Ma-Amor. Ang mga bagong Sultan ay magiging kaagapay ng Sultan Bob Torres Foundation para sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa Muslim community sa lungsod.

ZALDY COMANDA

Amianan Balita Ngayon