BAGUIO CITY PORMAL NG IDEDEKLARA NA EDUCATIONAL CENTER OF THE NORTH

BAGUIO CITY

Inaprubahan na sa first reading ang isang Ordinansa na magdedeklara na ang Baguio City ay ang Educational Center of the North bilang pagkilala sa mga institution sa lunsod na nagbibigay ng maayos at magandang edukasyon sa mga
mag-aaral hindi lang sa mga taga lunsod kundi maging ang mga mag-aaral sa mga karatig lalawigan mula Ilocos Sur,
Pangasinan, La Union at sa buong Cordillera. Ang panukala na gawin ng pormal at rationalize ang naturang kataga na ang Baguio ang Educational Center of the North ay nagbigay ng signal sa likal na pamahalaang upang isulong itong ordinanza na mas palakasin pa ang pagbibigay ng “quality education” sa lahat ng estudyante upang labanan ang pagkakaroon ng illiteracy sa mga mag-aaral.

Ayon pa sa nasabing ordinansa ang syudad ng Baguio ay nagkakaroon ng halos 155,000 hanggang 165,000 na enrollees bawat taon ayon sa huling datos na nakuha sa enrollees mula sa child development centers hanggang sa tertiary level Ang syudad ng Baguio ay mayroong 300 private at public colleges, universities at technical- vocational
institutions at training center na may kabuuang workforce na aabot sa 7,210 base sa huling datos noong 2021 Communitybased Monitoring System (CBMS) Ang lunsod na ito ay kilala bilang “home for English as a Second Language (ESL) na mga school noong pre-pandemic at halos mayroong 60 na ESL na paaralan sa lunsod na
mayroong enrollees na umaabot sa 18,000 annually ay mayroong kita na P2.7 bilyon.

Makikita rin sa lunsod na mayroong mga century-old or heritage schools at mga learning institutions na
hanggang ngayon ay nariyan pa rin at tumatakbo ang negosyo gaya ng Asia’s premier military training institution na matatagpuan Philippine Military Academy (PMA). Ayona pa sa ordinansa ang Baguio ay consistent top performer sa larangan ng palakasan at nariyan ang ilang mga estudyante at mga local young talents na mga athlete sa lunsod.
Dahil dito nararapat lamamg umado na ipasa ang nasabing ordinansa dahil sa mga katibayan at mga kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng mga eskwelahan sa lunsod.

“Baguio has proven its commitment to quality and inclusive education through its pro-youth welfare programs like
educational assistance, job placement and employment assistance, mental health initiatives, special education
programs, alternative learning programs, sports programs for the youth, reading camps, academic festivals, career
coaching, cultural empowerment programs, peace education, innovative-based endeavors, partnership between academe and civil society organizations among others”. Ayon sa nakasaad sa ordinansa.

Dexter A. See/ABN

Amianan Balita Ngayon